CRISPY CHICKEN WITH CURRY POWDER
Another fried chicken recipe tayo ngayon. Pero ang tanong? Ano ang pagkakaiba nito sa mga fried chicken recipe na alam na natin at nabasa na natin sa ibang food blog? Well, fried chicken is fried chicken. Nagkakaiba lang ito sa kung papano mo ito pinasarap sa pamamagitan ng pagma-marinade. Ofcourse, masarap naman talaga ang manok with its natural flavor. Pero para maiba namanm bakit hindi natin lagyan ng iba pang pampalasa. At ito nga ang ginawa ko sa fried chicken entry natin na ito.
CRISPY CHICKEN WITH CURRY POWDER
Mga Sangkap:
1/2 kilo Chicken thigh fillet (yung may balat pa)
6 pcs. calamansi
1 tsp. curry powder
1 cup flour
1 egg beaten
1 8g sachet maggie magic sarap
salt and pepper to taste
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa katas ng calamansi, curry powder, asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga ilang minuto. Mas matagal mas mainam
2. Magpakulo ng mantika sa isang kawali. Mas maraming mantika mas mainam.
3. Isa-isang ilubog ang piraso ng manok sa binating itlog at saka igulong sa harina. Maaaring ilubog ulit sa itlog at igulong sa harina para mas crispy ang kalabasan.
4. Ihulog ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay....Hanguin sa isang lalagyan.
Ihain kasama ng sawsawang tomato catsup or homemade gravy.
Enjoy!!!
Comments
alam mo bang ang curry powder is popular na ginagamit ng mga indiano?india?
i think mahilig ang taga india ng curry powder?
Dennis