KANI & CUCUMBER SPRING ROLL



Last July 13, 2009, inimbitahan ng wife kong si Jolly ang kanyang Tita Shony na balikbayan na dumalaw sa aming munting tahanan for a simple dinner. Kasama din niya ang kanyang anak na si Claire, si Tia Mely at isa pa na di ko alam ang pangalan. Early that morning tinanong ng asawa ko kung ano ang gusto niyang kainin. Basta daw wag karne kung baga, gulay o isda ay okay sa kanya. Kaya naman yun ang inihanda ko for the dinner.

At itong Kani & Cucumber Spring Roll ang naisipan kong ihanda. Walang cooking na gagawin dito. Madali lang at masarap talaga. Itong dish na ito ang puring-puri ng balikbayan. Kaya naipangako ko sa asawa ko na ito ang isa sa mga handa niya sa birthday niya this July 17....hehehehe

KANI & CUCUMBER SPRING ROLL


Mga Sangkap:


8 pcs. Crab stick (Hiwain na parang palito ng posporo)

1 pc. Cucumber (Balatan, alisin ang buto, hiwain na kasing laki ng crab stick)

10 pcs. Rice paper

a bunch of fresh lettuce

salt and pepper

1/2 cup mayonaise

1/2 cup alaska evap

1 tbsp. peanut butter



Paraan ng pag-gawa:

1. Ilubog ng mga 5 sigundo ang rice paper sa tubig.

2. Ilatag sa isang plato at lagyan ng dahon ng lettuce. Alisin ang matigas na parte ng dahon

3. Lagyan ng kaunting crab stick at pipino

4. Budbudan ng kaunting asin at paminta

5. Balutin/roll na parang nagbabalot ng lumpia.

6. Ihain sa gita ng pahalang at ilagay sa isang lalagyan.

7. For the sauce, paghaluin lamang ang maypnaise, gatas na evap at peanut butter. Haluing mabuti. Lagyan ng kaunting paminta at asin.



Ihain kasama ang ginawang spring roll.



Masarap itong appetizer sa isang party or dinner.


Enjoy!


Note: Ginaya ko pala ang dish na ito nung minsang kumain kami sa Pizza Hut. Nagustuhan ko siya, at naipangako kong gagawa din ako ng ganun. At eto na nga ....hehehe


Paalala: Huwag ibababad ng matagal ang rice paper sa tubig. 5 seconds is okay then drain. Nung ginawa ko nga ito, nasayang ang mga 10 pcs. na rice paper ko. Matagal ko kasing nababad sa kaya ayun hindi ko mailatag ng ayos.....hehehehe

Comments

Anonymous said…
Hi Dennis,
Thank you sa pag share mo nitong Kani and Cucumber Spring Roll. Gusto ko sana gayahin pero di ko alam kung saan ako makabili ng rice paper. Please share your source.
Anonymous said…
Hi Dennis,

I am also wondering saan makakabili ng rice paper i would love to try out your recipe.
Dennis said…
Hello! Kung nandito sa Pilipinas, meron nito sa SM Supermarket. Kasama ito ng mga lumpia wrapper at tofu. Kung sa ibang bansa ka naman, i-try mo sa mga asian store.

Thanks for the visit

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy