PAKSIW NA PATA


Ang paksiw ay isang uri ng pagkaing Pilipino na niluto sa suka. Kung mapapansin natin, maraming pagkaing pinoy na may sangkap nito. Marahil, komo nga wala pa naman fridge noong araw, ganito ang ginagawa nilang luto sa mga pagkain para mas tumagal ang buhay. Di ba ang adobo ganun din? Basta may suka hindi agad ito napapanis.

Bukod sa paksiw na lechon, ang paksiw na pata ang gustong-gusto kong lutong paksiw. Paksiw na isda hindi ko masyadong gusto...heheheh. At eto nga naisipan ko na magluto nito para mapawi na ang pagka-miss ko sa paksiw na pata. Ang biyenan ko pala na si Inay Elo, magaling magluto ng paksiw na pata. Basta papalambutin lang niya ang pata sa suka, asin, pamintang buo at bawang ay ayos na. Ang sarap, lalo na kung malambot na malambot ang pagkaluto nito.



PAKSIW NA PATA

Mga Sangkap:

1 whole Pata ng baboy sliced
5 pcs. Saging na saba hiwain ng 2
1/2 cup Bulaklak ng saging
1 cup vinegar
1 tbsp whole pepper corn
1/2 cup brown sugar
1 head minced garlic
salt to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, palambutin ang pata ng baboy sa tubig na may asin
2. Kung malapit ng lumambot, ilagay ang bawang, suka at brown sugar. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto
3. Ilagay ang saging na saba at bulaklak ng saging o banana blosom. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang saging na saba.
4. I-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin at asukal. Ang tamang lasa ay yung nag-aagaw ang alat, asim at tamis
Ihain habang mainit.
Pero sa totoo lang,mas masarap kainin ito sa kinabukasan na. Mas kumakapit kasi ang lasang tamis, asim at alat after a day. Parang adobo din.
Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
pwede lagyan ng soy sauce?
nagtatanong lang po?
how about oyster sauce?
siguro mas masarap kung merong oyster sauce na kaunti ano?maybe just maybe...
Dennis said…
Soy sauce yes....para magkaroon ng kaunting kulay. Oyster sauce di ko pa na-try....pero di na siguro paksiw ang tawag dun....hehehehe

Dennis
Unknown said…
pwede po bang wag na lagyan ng saba?
Dennis said…
Pwede naman Hanna....yung saba kasi nagpapadagdag lang ng kaunting tamis sa paksiw na mas lalong nagpapasarap.

Thanks for the visit.

Dennis
Anonymous said…
Bakit pag nagsearch ako ng paksiw na pata.lahat ay patatim style or yung may toyo at matamis at may bulaklak. . Sa pagkaka alam ko, ay ang paksiw ay suka lang..paminta.bawang..at pampa alat.anyway.kanya kanyang style pa din.
Dennis said…
Yup...kagaya ng ng sinabi mo kanya-kanyang style lang yan. Ang sinigang nga o adobo marami ring variations di ba? Same with paksiw.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy