PORK CHOPS in HONEY-LEMON SAUCE


May 1 kilo pa ako ng pork chops sa fridge. Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Pwedeng pork steak o kaya naman ay breaded. Pero nakakasawa na din ang mga ganitong luto. So naisip ko na mag-check ng recipe sa Internet. Dami kong nakita. Kaso, parang di ko feel ang mga luto...yung iba kasing mga sangkap di ko naman maintindihan. Hehehehe. Ang pinili ko na lang ay yung mayroon na akong sangkap at madali lang lutuin. Try nyo ito. Kahit ako nabigla sa kinalabasan. Masarap kase at kakaiba talaga.



PORK CHOPS in HONEY-LEMON SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork chops
1 lemon
2 tbsp. grated ginger
4 tbsp. Pure honey
2 tbsp. soy sauce
2 tbsp. Patis
3 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup butter
1 tbsp. Fresh Wansuy leaves chopped
Salt and pepper
Maggie Magic Sarap



Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang pork chops sa asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng lemon. Hayaan ng mga 2 oras. Mas matagal mas mainam.

2. Sa isang non-stick pan o kawali, i-prito ang pork chops sa butter hanggang sa pumula ang balat nito. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa parehong kawali, ibuhos ang pinagbabadan o ang marinade mix.

4. Ilagay ang grated ginger, pure honey, toyo, patis at brown sugar. Halu-haluin hanggang sa lumapot ang sauce.

5. Isa-isang ilubog dito ang mga piniritong pork chops at ilagay sa isang lalagyan.

6. Lagyan sa ibabaw ng chopped wansuy leaves



Ihain habang mainit pa. Masarap ito. Kakaiba talaga....



Enjoy!

Comments

Cool Fern said…
yan ba ang wansuy sa pix?
Dennis said…
Yup....ito nga yun. Kakaiba ang amoy niya at lasa...tamang-tama sa mga asian food.

Dennis
Cool Fern said…
ah ok..tenks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy