SARCIADONG DALAGANG BUKID na may WANSUY
Napakadali lang lutuin ng entry natin para sa araw na ito. Actually, may entry na akong ganito sa blog kong ito. Ang pagkakaiba lang ay tilapia ang ginamit ko sa una kong posting. Dito naman sa pangalawa, bukod sa Dalagang Bukid ang ginamit ko, nilagyan ko rin ito ng dahon na wansuy. Mas masarap ang pangalawa kong bersyon. Dahil siguro sa isda na ginamit ko at sa fresh wansuy leaves na inilagay ko. Try nyo ito. Para naman maiba sa ordinaryong pirito na ginagawa natin.
SARCIADONG DALAGANG BUKID na may WANSUY
Mga Sangkap:
1 kilo Dalagang Bukid
8 pcs. kamatis chopped
1 large onion
1 egg
4 cloves minced garlic
1 tbsp. chopped fresh wansuy leaves
Maggie magic Sarap
coking oil for frying
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. Linising mabuti ang dalagang bukid at asinan. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. I-prito ang isda at hanguin sa isang lalagyan.
3. Linisin ang kawali. Sa kaunting mantika, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
4. Lagyan ng kaunting tubig. Durug-durugin ang kamatis sa pamamagitan ng sandok
5. Kung durog na ang kamatis, timplahan ng asin, paminta at maggioe magoc sarap ayon sa inyong panlasa.
6. Ilagay ang binating itlog. Halu-haluin.
7. Ibuhos ito sa ibabaw ng piniritong dalagang bukid.
8. Ilagay sa ibabaw ng ginisang kamatis ang chopped na wansuy leaves.
Ihain habang mainit. Pero sa totoo lang, mas masarap kainin ito makalipas ang mga ilang minuto. Mas nasipsip na kasi ng isda ang flavor ng ginisang kamatis.
Enjoy!!!!
Comments
ano ba ang ibang term ng wansuy,dennis?
kasi parang hindi ko kilala 'to?
'to ba yong celery?
nagtatanong lang po...
sige at maghahanap ako ng ganyan dito..ang marami kasi dito is celery
Thanks