SINIGANG na BAKA sa BAYABAS



Ang sinigang ang isa sa pagkaing Pilipino na napakaraming variety. At marami ding version ha. Ito ay isang pagkaing may maasim na sabaw. Ang pangasim na ginagamit dito ay depende kung ano ang marami sa lugar na yun. Halimbawa sa amin sa Bulacan, marami kaming puno ng bayabas. So madalas, sinigang sa bayabas ang ulam namin. O kaya naman sampalok. Syempre pana-panahon ito kung mamunga. Buti na lang at nauso ang mga instant sinigang mix ngayon. Pero syempre, iba yung fresh talaga na pangasim ang gagamitin.

Matagal ko ng binabalak na magluto ng sinigang sa bayabas. Yun lang papaano ako magluluto wala namang kaming puno ng bayabas dito sa tinitirhan namin. Sa palengke naman wala akong nakikitang nagtitinda.

Last July 4, umuwi kami sa bayan ko sa Bocaue sa Bulacan. Napansin ko agad ang mga puno ng bayabas namin na hitik sa bunga. Kaya naman nagpakuha ako at inuwi ko ng bumalik kami ng Manila. Kaya eto, natuloy din ang binabalak kong sinigang sa bayabas.

SINIGANG na BAKA sa BAYABAS

Mga Sangkap:

1 kilo Baka (pwede din gamitin dito ang baboy o bangus)

1 cup hinog na bayabas (balatan, alisin ang buto at gayatin ng maliliit)

1 taling kangkong (kunin lamang yung dulong bahagi)

1 taling okra (hiwain ng dalawa)

1 taling sitaw (hiwain ng 2 inches na haba)

5 pcs. siling pang-sigang

250 grams. gabi (balatan at hugasang mabuti)

1 large red onion

salt


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, pakuluan hanggang sa lumambot ang baka. Lagyan ng tamang dami ng asin.

2. Kung malambot na ang karne, ilagay ang ginayat na bayabas,sibuyas at gabi. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
3. Ilagay naman ang sitaw, siling pang-sigang at okra. Hayaang kumulo pa hanggang sa maluto ang gulay

4. Huling ilagay ang kangkong. Tikman at i-adjust ang lasa. Maari ding timplahan ng patis sa halip na asin.


Ihain habang mainit ang sabaw.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
nakatikim na ako nito noon,dennis..
luto ng tiyuhin ng husband ko kasi tagalog yong tiyuhin...
sa kanya ko natikman 'to..
kasi hindi kami mahilig sa sinigang being cebuano..
keep up your good work,dennis..
Dennis said…
Thanks Cook Fern.....alam mo ang nakakatawa about this sinigang sa bayabas? Sabi nung iba amoy kili-kili daw...hehehehe (anghit). Parang durian....mabaho ang amoy pero masarap...hehehehe

Dennis
Unknown said…
Cool..!! This is really lovely.. Thanks
Dennis said…
Thanks Stephen

Regards,

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy