SINIGANG NA MANOK
Hindi pangkaraniwang nadidinig natin ang lutuing Sinigang na Manok. Ang kapareho ng lutuing ito ay ang Sinampalukang Manok. Yun lang ang pagkakaiba nito ay ang sangkap na gulay. Pero sa lasa halos magkapareho lamang ito. Katulad ng mga ordinaryong sinigang, pareho lang din ang mga sangkap nito maliban sa ito ay may luya. Masarap na alternatibo ito sa tinola na pangkaraniwang luto sa manok na may sabaw.
SINIGANG NA MANOK
Mga Sangkap:
1 whole Chicken cut into serving pieces
1 tali kangkong
1 taling sitaw hiwain ng mga 2 pulgada
6 pcs. okra
4 pcs. siling pang sigang
2 pcs. kamatis
1 large sibuyas
1 thumb size luya
3 cloves minced garlic
1 sachet Knorr Sinigang mix
1 Knorr chicken cubes
1/2 cup patis
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ayon sa pagkakasunod-sunod ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang manok at timplahan ng patis. Halu-haluin at takpan.
3. Hayaang masangkutsa o maluto sa sariling katas.
4. Lagyan ng tubig ayon sa nais na dami ng sabaw. Hayaang kumulo hanggan sa maluto ang manok.
5. Kung malapit ng maluto ang manok, ilagay ang sitaw, okra at siling pang sigang.
6. Ilagay ang Knorr sinigang mix at chicken cubes. Maaring lagyan pa ng patis ayos sa inyong panlasa.
7. Huling ilagay ang kangkong. Hayaan pangkumulo ng 1 minuto.
Ihain habang mainit....
Enjoy!!!!
Comments
mas type ko to...
anyway, sarap ng mga niluluto mo talaga,dennis..keep it up
Dennis