STEAMED TILAPIA with BLACK BEANS



Ito ang isa sa mga dish na inihanda ko sa birthday ng asawa kong si Jolly. Actually experimental siya. May nabasa akong recipe na gumamit ng black beans pero fish fillet ang ginamit. Naka-classify nga siya sa chinese dishes as dimsum. So naisip ko lang, why not a whole fish? Nung una, try ko na i-ihaw sa kawali, kaso ang daling masunog nung black beans, so balik ako sa original plan na i-steam siya.



Nasa itaas na picture yung mga sangkap na ginamit ko.

Eto naman yung pict nung nilagyan ko na ng mga sangkap at balutin ko na ng aluminum foil.


Try nyo ito, masarap, malasa at malinamsam. Sabi nga nung isang guest namin, wala daw ka-lansa-lansa yung isda. Talaga naman.....hehehehe


STEAMED TILAPIA with BLACK BEANS

Mga Sangkap:

5 pcs. medium size tilapia (2.3 kgs. ata ang mga ito)

1 small can Salted Black beans

Luya - hiwain na parang palito ng posporo

a bunch of fresh cilantro or kinchay

sibuyas hiwain din ng pahaba

ground pepper

sesame oil

maggie magic sarap

aluminum foil


Paraan ng pagluluto:

1. Gilitan ng dalawa ang magkabilang side ng tilapia

2. Ilatag ang aluminum foil

3. Lagyan ng mga sangkap ang tilapia ayon sa nais nyong dami at balutin ng aluminum foil. Hindi na kailangang lagyan ng asin dahil maalat na ang black beans

4. I-steam ito ng mga 15 minutes. Take note mag-start ang time nyo pag kumukulo na ang tubig sa steamer


Ihain habang mainit.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
i also tried this before, dennis, wala lang black beans.. naglagay ako ng bawang and green onions and luya..i think ang luya ang nagpapasarap or nagpapa alis ng lansa ng tilapia
Dennis said…
Tama...actually may isang posting ako before na ganito din pero wala nga black beans. Try mo with black beans...no need to put salt kasi maalat na ito. Mayroon siyang kakaibang lasa na chinese na chinese ang dating lalo na pag maraming sesame oil.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy