TORTANG TALONG with CHEESE


Natatandaan nyo yung posting ko na Lumpiang Shanghai? May natira pang mga 1 cup na palaman. Naubusan na kasi akong ng lumpia wrapper. So, eto ang kinalabasan, Tortang Talong. At para naman maging espesyal ang lutuin kong ito, nilagyan ko ng cheese sa ibabaw. Alam nyo ang kinalabasan? Ang sarap....Hindi ko sinasabi ito dahil ako ang nag-luto, pero ang laki ang naitulong ng cheese sa kabuuang lasa.

Paborito ko talaga ang Tortang Talong. May palaman man o wala, solve na solve sa akin ito. Mas masarap ito kung inihaw talaga sa baga ang talong saka ito-torta. Pero komo nga wala naman kaming ihawan dito sa bahay, niluto ko na lang sa microwae. Okay din naman. Pero syempre para sa akin mas masarap yung ihaw talaga sa baga. Nandun kasi yung smokey taste at smell.



TORTANG TALONG with CHEESE

Mga Sangkap:

4 pcs. large na Talong

1 cup leftover Lumpiang Shanghai mix

1 medium size potato (Hiwain na parang match sticks)

1/2 cup grated cheese

3 eggs beaten

2 tbsp. flour

cooking oil for frying



Paraan ng Pagluluto:
1. I-ihaw ang talong at alisin ang balat. Pwede ding ilaga o kaya naman lutuin sa microwave.
2. Sa isang kawali, i-prito ag hiniwang patatas at ihalo ang shanghai mix. Halu-haluin hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.

3. Batihin ang itlog at i-halo ang harina. Batihing mabuti. Timplahan ng kaunting maggie magic sarap.

4. Bukahin ang talong at lagyan ng palaman sa gitna.

5. Lagyan ng cheese sa ibabaw at lagyan ng binating itlog at harina. Tingnan ang larawan sa ibaba:



6. I-prito sa isang non-stick pan sa kaunting mantika.

7. Kung sa tingin nyo ay luto na ang ilalim, dahan-dahang ibaligtad para maluto naman ang ibabaw.

8. Hanguin sa isang lalagyan

Ihain na may kasamang catsup o kaya naman pinaghalong toyo at calamansi.


Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
tip sa 'yo,dennis kung saan mo pwedeng iihaw ang talong..
dito sa amin, since wala ding ihawan,nilalagay ko siya directly on top of the stove ..jan ako nag iihaw ng talong..
kaya lang nangangamoy sa buong bahay..kala ng bossing ko may nasusunog na dito sa bahay niya..LOL
kaya naghahanda ako ka agad ng scented candle para mawala ang amoy sunog...
nung anjan naman ako sa phil, yong kasama namin sa bahay eh nilalaga naman niya kasi maliliit siya galing sa garden parang thumb size lang ang talong kaya nilalaga niya.hindi na binabalatan.ang sarap din...
Dennis said…
Thanks my friend. Yun din nga ang sabi sa akin ng helper ko. Kaso baka kako mag-lasang gas yung talong. Siguro i-try ko sa susunod.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy