BACON CUT PORK with CANTON NOODLES
Lagi kong nababanggit ang pag-gamit ng extender sa ating mga niluluto. Kung baga pamparami. Katulad na lang ng recipe natin for today. 1/2 kilo lang na Bacon cut na baboy ito. Kung lulutuin mo ito ng ganito lang, hindi ito magkakasya sa aming anim. So ano ang pwedeng gawin? Yun nga ang gumamit ng extender kagaya ng gulay at noodles. Dahil dito, busog kaming nakakain lahat at nakapag-baon pa ako sa office.....hehehehe. Di ba ang galing?
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick pan o kawali, i-prito ang bacon cut pork sa kaunting mantika hanggang sa medyo pumula at maluto ang karne.
3. Lagyan ng mga 1 tasang tubig, takpan at hayaang kumulo at lumambot ang karne.
4. Ilagay ang toyo, carrots at canton noodles. Halu-haluin. Maaring lagyan ng tubog kung kinakailangan
5. Ilagay ang cauliflower, leeks at oysters sauce. Halu-haluin. Hayaan hanggang sa maluto ang cauliflower
6. Ilagay ang asukal. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng chopped leeks sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
sarap naman nito..
keep it up,dennis..
Dennis