CENTURY TUNA and BASIL FRITTATA



Anong luto ba ang pwede nating gawin sa tuna na nasa lata katulad ng Century tuna? Pangkaraniwan, gisa lang sa bawang at sibuyas. O kaya naman yung iba nilalagyan ng binating itlog. Para naman maiba ang ating ordinaryong century tuna, eto ginawa ko siyang frittata. madali lang ito at talaga namang masarap. Pwede din itong ipalaman sa tinapay. masarap din itong pambaon sa office katulad kanina ito ang lunch ko....heheheh



CENTURY TUNA and BASIL FRITTATA


Mga Sangkap:

1 big can Century Tuna Flakes (alisin na yung oil)

1/2 cup chopped fresh basil leaves

1/2 cup grated cheese

4 large eggs beaten

1 large tomato chopped

salt and pepper


Paraan ng pagluluto:

1. Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang lalagyan.

2. Maglagay ng kaunting mantika sa isang small size na non-stick pan.

3. Mag-prito ng tamang dami ng pinaghalong sangkap. Huwag masyadong malakas ang apoy para hindi agad masunog ang ilalim ng frittata.

4. Kung babaligtarin na, magtaob ng platito o plato sa ibabaw ng kawali at saka baligtarin.

5. Ibalik sa kawali ang binaligtad na frittata para maluto naman ang kabila.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Note: Maari din itong lutuin sa oven. Ilagay lang sa isang non-stick pan ang lahat ng pinaghalong sangkap at ilagay sa oven.

Comments

Anonymous said…
century tuna in vegetable oil makes a very yummy tuna carbonara.
Dennis said…
Yup...na-try ko na yang luto na yan...masarap talaga....hehehehe

Thanks for visiting...


Dennis
Anonymous said…
I will try it
Unknown said…
gusto ko yung pag bukas mo pa lang sa lata uulamin na agad
Dennis said…
Yah....that's the easiest way kung ayaw mong magluto pa.....hehehehe

Thanks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy