CREAMY & CHEESY PORK
Di na kami nag-dinner last night. Kakagaling lang kasi namin sa isang birthday party at busog pa kaming lahat sa aming kinain. Ang nangyari, nag-light snack na lang kami at ang mga bata.
Medyo late na ng maisip ko, ano pala ang babaunin nilang ulam kinabukasan sa pag-pasok nila sa school? So, isip-isip, at dito nga nabuo ang recipe natin for today. Again, hindi ko alam kung may recipe talaga na ganito. I-try nyo lang at hindi kayo mabibigo. Masarap ang kinalabasan at tiyak kong magugustuhan ito ng mga bata as their baon.
CREAMY & CHEESY PORK
Mga Sangkap:
500 grams Pork kasim (skin on)
1 small can Alaska Evap (Yun red ang label)
1/4 bar cheese
1 tbsp. dried basil
1 large potato sliced
1 large carrots sliced
1 large onion chopped
5 cloves minced garlic
salt and pepper
Maggie magic sarap
1 tsp. cornstarch
Paraang ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng baboy sa tubig na may asin hanggan sa lumambot ang karne. Hanguin ang karne sa pinaglagaan at palamigin. Itabi ang sabaw ng pinaglagaan.
2. Kung malamig na ang karne, hiwain ito ng manipis o sa tamang kapal na nais.
3. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay ang hiniwang karne ng baboy. Halu-haluin. Timplahan ng asin, paminta at dried basil.
5. Lagyan ng sabaw ng pinaglagaan ng karne at takpan. Ilagay na rin ang patatas at carrots. Hayaan ng mga 5 minuto. Maaaring lagyan pa ng sabaw kung kinakailangan para hindi matuyo.
6. Ilagay ang alaska evap. Tikman at i-adjust ang timpla ng asin.
7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
8. Lagyan ng grated cheese sa ibabaw bago ihain.
Ihain habang mainit pa
Enjoy!!!!
Comments
ngayon lang ako naka encounter nito..
masubukan nga eto....someday...
ano 'to lunch nila?hindi na sila umuuwi ng tanghali-an?
just asking..
Alam mo puring-puri nung pangalawa kong anak ang ulam na ito. Magluto daw ako ulit....hehehehe
Dennis