DAING NA BANGUS ESPESYAL



Madali lang naman talagang mag-luto. Konting imagination lang talaga makakabuo ka na ng isang masarap na lutuin. Hindi naman kailangan na i-limit natin ang recipe sa mga original na recipe talaga. Kung baga, bakit hindi natin gawan ng twist? Di ba yung ibang recipes ko dito ganun ang ginawa ko?

Kagaya na lang nitong entry natin for today. Original recipe or ordinary recipe ng daing na bangus..although masarap talaga ang orig, bakit hindi natin lagyan ng twist? At alam nyo ang kinalabasan? Mas masarap at kakaiba ang kinalabasan. Parang gourmet food ang lasa....hehehehe. Try nyo ito!


DAING NA BANGUS ESPESYAL

Mga Sangkap:

2 pcs. Boneless Daing na Bangus

1 head minced garlic

1/2 cup suka

1 tsp. pamintang durog

2 tbsp. rock salt

1 tbsp. dried basil leaves


1 tbsp. dried oregano

1 8g sachet Maggie Magic Sarap


1 cup cooking oil





Paraan ng pagluluto:


1. Budburan ang boneless bangus ng asin, paminta, maggie magic sarap, dried basil leaves at dried oregano.

2. Sa isang bowl paghaluin ang suka at dinikdik na bawang.

3. Ibuhos ito sa bangus at hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal mas mainam.

4. I-prito ito sa isang non-stick na kawali hanggang sa pumula at maluto.

Ihain na may kasamang sawsawang calamansi at toyo.

Enjoy!!!!

Comments

MaMely said…
Ang galing mo talaga, Dennis. Mukhang masarap ang ganito. Ginawa mong extra ordinary yung ordinary lang.
Dennis said…
Yes MaMemly, the taste was really different. Kung masarap na yung orig na recipe mas sumarap pa because of the herbs.

Thanks MaMely....regular visitor ng blog mo din ako.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy