FRIED CHICKEN - My Other Version
As promised, narito ang recipe nung isang dish na inihanda ko nitong nakaraang birthday ng anak kong si James. Madali lang itong gawin, although, dalawang beses itong lulutuin. Ginaya ko ito dun sa original na fried chicken ng KFC. Ofcourse di ko naman alam ang mga spices na ginagamit nila. Kung baga, eto ang version ko ng KFC fried chicken. Try nyo ito!
FRIED CHICKEN - My Other Version
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken drumstick (or kahit anong part)
3 tangkay ng tanglad o lemongrass
2 pcs. laurel Leaves
1 tsp. dried basil leaves
1 large red onion chopped
1 head minced garlic
1/2 cup rock salt
1 egg
1 tsp. whole pepper corn
1 cup All purpose flour
1 8g sachet maggie magic sarap
cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa harina at mantika. Lagyan ng tubig. Dapat lubog ang mga manok.
2. Pakuluan ito sa loob ng mga 30 minuto o hanggang sa maluto ang manok.
3. Hanguin ito mula sa pinagpakuluan at palamigin.
4. Kung malamig na, ilagay ang binating itlog sa manok at hayaang ma-coat ang manok ng itlog.
5. Igulog ang manok sa harina at i-prito sa kumukulong mantika. Hanguin kung mag-golden brown na.
Ihain na may kasamang catsup or home made na gravy.
Enjoy!!!
Comments
Dennis
im already doing it now!! for lunch with my wife.. i hope she will like this..
DFC= Dennis Fried Chicken hehe
xD