FRIED FISH STEAK in OYSTER SAUCE
Ang ganda ng pangalan ng entry natin for today ano? hehehehe. Parang mamahaling pagkain ang dating. Pero ang totoo, ordinaryong pritong isda lang ito na nilagyan ng extra special na sauce. Ofcourse, ano ang magiging mali kung oyster sauce ang ginamit mo.....hehehehe.
Try nyo ang dish na ito. Sigurado akong magugustuhan ng inyong pamilya. Nakakasawa na din kasi yung puro prito di ba. Masarap din ito kung kinabukasan na kakainin. Mas kumapit na kasi ang flavor ng sauce na isinama.
FRIED FISH STEAK in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Yellow Fin Tuna sliced
1/2 cup Oyster Sauce
a bunch of Kinchay or Wansuy
1 thumb size ginger grated
3 cloves minced garlic
1 medium reg onion sliced
salt and pepper
1 8g sachet maggie magic sarap
2 tbsp. brown sugar
1 tbsp. cornstarch
1 tbsp. butter
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang isda. Lagyan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 15 minutes.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang isda hanggang sa pumula ang gilid at maluto. hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang saice pan, igisa anbg luya, bawang at sibuyas. Lagyan ng mga 1 tasang tubig. Hayaang kumulo.
4. Ilagay ang oyster sauce at yung ginayat na tangkay ng kinchay. Hauli-haluin
5. Timplahan ng asin, paminta at asukal. Ang tamang lasa nito ay yung naglalaban ang alat at tamis.
6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong isda.
8. Ilagay ang chopped na dahon ng kinchay sa ibabaw.
Ihain ng may ngiti sa labi.
Enjoy!!!
Comments
im always checking out your page..just didnt have the time to comment.
keep it up!