KOREAN BEEF STEW
Avid fan ako ni Ms. Connie ng http://www.pinoycook.net/. Actually, na-inspire ako sa kanya na gumawa din ng food blog na katulad nung sa kanya kaya eto ako ngayon. Kaya kung regular visitors kayo ng blog niya, mapapansin nyo yung ibang luto ko dun ko nakuha.
Katulad na lang nitong entry natin for today. Nagkataon na may 1 kilo ako ng Beef Camto sa fridge. Hindi ko pa alam ang lutong gagawin ko. At tyempo naman na nag-post siya nitong Korean Beef Stew niya at ito nga ang niluto ko last night. Yun lang hindi ko masyadong nilagyan ng chili. Baka kasi hindi makain ng mga bata.
Ang dali lang nitong lutuin...at para ka na ring kumain sa isang korean restaurant. Try nyo!!!
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Camto (Hiwain ng pa-cube ayon sa nais na laki)
2 pcs. Dried laurel leaves
1 head garlic (alisin lang yung balat)
1 large red onion (alisin din lang yung balat)
2 thumb size ginger (alisin din lang yung balat)
1 tsp. whole pepper corn
1 cup soy sauce
1 cup muscoba or brown sugar
3 pcs. siling pang-sigang
1/2 cup onion leaves (hiwain ng mga 1/2 inch)
2 tbsp. toasted sesame seeds
1 tbsp. sesame oil
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng mga 5 minuto. Hanguin at hugasan ang nilagang karne at ilipat sa isa pang kaserola.
2. Ilagay ang lahat ng sangkap maliba sa huling tatlong sangkap.
3. Lagyan din ng mga 2 tasang tubig at pakuluin hanggang sa lumambot ang karne.
4. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin, paminta at asukal kung kinakailangan.
5. Maaring ding lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce. Ilagay na din ang sesame oil
6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng ginayat na onion leaves at sesame seeds sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
DEnnis