LECHONG MANOK



May nag-email sa akin na nagtatanong ng recipe ng Lechong Manok. Ang ibinigay ko sa kanya ay yung recipe ng Anton's Chicken na isa sa mga specialty ko...hehehehe. Itong recipe natin for today ay improved version. Puring-puri ng aking kapitbahay na taga Ilo-ilo ang luto kong ito. Sabi niya ang linamnam daw ng laman at ang sarap ng timpla. Nagpaturo pa nga sila sa akin kung papano ko daw ito tinimpla. Eto at i-share ko din sa inyo ang improvements na ginawa ko sa recipe. Try nyo....pwede nyo din itong ipang-negosyo.



LECHONG MANOK


Mga Sangkap:

1 whole chicken

8 pcs. calamansi

1/2 cup lemon grass finely chopped (yung white lower portion)

2 tbsp. rock salt

1 tsp. ground pepper

1/2 cup minced garlic

1 8g sachet maggie magic sarap

1/2 cup soy sauce


Paraan ng Pagluluto:

1. Paghaluin ang asin, paminta at maggie magic sarap.

2. Ikiskis ito sa buong katawan ng manok. Mas matagal gawin ito mas mainam.

3. Paghaluin ang bawang, toyo, chopped na tanglad o lemon grass at katas ng calamansi.

4. Ipasok sa loob ng manok ang dahon ng tanglad.

5. Ilagay ang manok at ang pinhalong sangkap sa isang plastic bag o zip bag.

6. Isara ang plastic bag at ikot-ikutin ito para ma-marinade ang manok. From time to time ikut-ikutin ang plastic bag. Hayaan ng mga 2 oras o higit pa.

7. Lutuin sa oven at 350 degrees o kaya naman sa turbo broiler ng mga 45 minutes to 1 hour. Pwede ding lutuin ito sa baga.

8. Para gumawa ng gravy, ilagay ang katas ng pinaglutuan ng manok sa isang sauce pan. Lagyan ng kapirasong butter at paminta. Lagyan ng tinunaw na harina para lumapot ang gravy.

Ihain ang lechong manok kasama ang gravy na niluto.


Enjoy!!!

Comments

jonna said…
i've tried this recipe 2 weeks ago inimprove ko yong sa antons chicken mo i put nga minced garlic then mariniate overnight. from time to time glazed ko ng honey alternate sa marinated sauce tuwing baligtarin ko sa oven. baked ko sya 300 deg. 1hour ang sarap.. super. my kids call it MOM's Chicken hehe...sory.
Dennis said…
Yup kasama sa recipe yung minced garlic.....di ko pa lang na try na lagyan ng honey kasi madaling masunog yun...so baka mapula na ang balat pero hilaw pa ang loob. Try ko din next time.

Thanks Jonna


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy