Ang Palitaw ang isang pagkaing Pilipino na masasabi nating pinoy na pinoy talaga. Masarap ito bilang panghimagas o kaya naman ay meryenda. Masarap kainin ito na may kasamang mainit na tsa-a. Masasabi kong pinoy na pinoy ito dahil ang mag pangunahing sangkap nito ay madaling matagpuan dito sa atin. Bukod pa sa madali lang lutuin ito.
Natatandaan ko noong bata pa ako, kapag magluluto ng palitaw ang aking Inang, salit-salitan kami ng Kuya Nelson ko sa pag-giling ng malagkit sa gilingang bato para makagawa ng galapong. Nakakapagod kasi hindi pwedeng shortcut ang pag-giling dahil magiging magaspang ang galapong. Salamat at nauso ang mga gilingang de kuryente at yung available ngayon na powder na.
Try nyo ito. Bukod sa madali lang itong lutuin, masarap talaga. Nagbalik nga sa ala-ala ko ang aking kabataan na madalas kaming makakain ng ganito.
PALITAW
Mga Sangkap:
4 cups Glutinous Rice Powder
1 Kinayod na niyog
1 cup white sugar
3 tbsp. sesame seeds o linga (isangang ito hanggang sa magkulay brown)
Paraang ng Pagluluto:
1. Ilagay ang Glutinous Rice Powder sa isang bowl.
2. Unti-unting lagyan ito ng malamig na tubig habang hinahalo. Dapat ay yung tama lang ang lambot ng galapong.
3. Habang ginagawa ang #2, magpakulo na ng tubig sa isang kaserola.
4. Kumuha ng kapirasong galapong at bilugin sa kamay at saka i-press para lumapad.
5. Ihulog ito sa kumukulong tubig at hintaying lumutang.
6. Kapag
lumutang na hanguin ito sa isang lalagyan
7. I-gulong ang nilutong palitaw sa kinayod na niyog.
8. Lagyan ng pinaghalong asukal at sinangang na linga sa ibabaw
Maaring ihain ng mainit o malamig.
Enjoy!!!!
Comments
kaka miss talaga siya..
kahit anong kakanin ipakain mo sa akin,kakainin ko talaga...
Dennis
ang ginawa ko is from scratch talaga hindi yong nasa box...
kasi may pabiling frozen banana leaves dito ..
Next time gusto kong gumawa ng sapin-sapin....hehehe...naubusan na lang ako ng malagkit na powder....hehehehe
Dennis
looking fwd to your sapin sapin
Dennis
E bakit Jun Abaf ang name na nakalagay? just curious
Dennis