PORK with BUTTON MUSHROOM & BASIL in WHITE SAUCE


Narito na naman ang isang dish na hindi ko alam kung may recipe na ganito. Ang original na plano ay magluto ng sinigang na baboy. So, bumili ako ng pork liempo na may buto at gulay na pangsahog. Para kasing natatakaw ako sa sabaw ng sinigang. Kaso, ang gusto naman ng asawang kong si Jolly ay isda na may sabaw. Kaya ang nangyari, ang kumander ang nasunod.....hehehe.


So ano na ang nangyari sa pork liempo na dapat sana ay isisigang? Eto, ang recipe natin for today. Medyo mahaba ang pangalan...hehehehe. Pero sa totoo lang masarap ito. Napuri nga ng officemate ng asawa ko nung nag-baon siya. Okay din itong pambaon ng mga bata sa school. Malasa kasi ang sauce. Try it!



PORK with BUTTON MUSHROOM & BASIL in WHITE SAUCE

Mga Sangkap:

1 kilo Pork Liempo cut into cubes

1 tall can Whole Button Mushroom

1 cup Fresh Basil leaves chopped

1 small can Alaska Evap (red ang label)

4 pcs. Chili fingers (Siling pang-sigang)

4 cloves minced garlic

1 large red onion chopped

1/2 tsp. dried basil

1 tbsp. cornstarch

salt and pepper

1 tsp. maggie magic sarap


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.

2. Ilagay ang karne ng baboy, timplahan ng asin at paminta, halu-haluin. Hayaan munang masangkutsa bago lagyan ng tubig.

3. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.

4. Kung malambot na ang karne, bawasan ito ng sabaw ayon sa nais na dami ng sauce na gusto nyo.

5. Ilagay ang button mushroom kasama ang sabaw nito. Hayaan hanggang sa kumulo.

6. Ilagay ang chopped basil leaves at siling pang-sigang. Hayaan ng mga 1 minuto.

7. Ilagay ang alaska evap at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. I-adjust ang lasa.

8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainip pa.

Masarap itong kainin with rice o kaya naman bread.

Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
this looks really good... i think the chili fingers will do the trick...
Dennis said…
Correct ka dyan....lalo na pag kinain mo ito ng kinabukasan....mas masarap parang adobo. At yung anghang ng chili , tamang tama lang....

Thanks anonymous.....I hope malaman ko name mo.

Dennis
Unknown said…
mukang masarap to kuya, kanina pa kasi ako namumroblema kung ano gagawin ko sa pork dahil ala ako stocks dito kundi mushrooms lang.
i did try to cook this recipe nasarapan ang asawa ko na german, madali lutuin simple at talagang masarap, very yummy daw sabi ni mr, thanks for sharing this and im looking forward to cook more of your shared dish, keep it up

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy