STIR FRIED TOFU AND BEAN SPROUT


Tatlong salita ko ide-describe ang recipe natin for today. Masarap, Mura, Healthy. Ito ang itinambal ko dun sa daing na bangus na entry ko the other day. Ayos na ayos ito as a side dish o kaya naman as isang ulam na. Siguro ang nagastos ko dito mga P30 pesos lang. Mga apat na tao na siguro ang kakain. Sa mga nagba-budget na hindi naman sinasakripisyo ang lasa ng pagkain, ito ang para sa inyo. Try it! madali lang din lutuin.


STIR FRIED TOFU AND BEAN SPROUT

Mga Sangkap:

3 pcs. Tokwa cut into cubes o sa nais na laki

250 grams Toge o bean sprout

3 cloves minced garlic

1 small onion chopped

2 tbsp. Oyster sauce

salt and pepper

cooking oil for frying


Paraan ng Pagluluto:
1. I-prito ang tokwa sa kumukulong mantika. Hanguin sa isang lalagyan.

2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.

3. Ilagay ang toge at tokwa. Lagyan ng kaunting tubig (1/2 cup). Halu-haluin

4. Timplahan ng asin, paminta at oyster sauce ayon sa inyong panlasa. Patuloy na haluin ng mga isang minuto.

5. Huwag i-overcooked. Hanguin agad sa isang lalagyan.


Ihain kasama ang inyong paboritong pritong isda.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
di ba pwedeng hindi iprito ang tufo?
nagtatanong lang po..
paano kung ayaw ko ng may mantika ang pagkain?
Dennis said…
Ang hirap naman ng tanong...next question please.....hehehehe.

Ang totoo hindi ko pa nasubukan na hindi i-prito. Kung steam naman malalamog yun kapag inihalo sa bean sprout.

Siguro sa olive oil mo n alng i-prito para healthy pa rin....hehehehe


Dennis
Cool Fern said…
kala ko sasabihin mo eh iprito sa kumukulong tubig..hahaha

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy