TINOLANG MANOK na may TANGLAD (Lemon grass)


Ang tinolang manok ay masasabi nating pinoy na pinoy na lutuin talaga. Sa probinsya, kapag may bisitang galing ng Maynila, hindi maaring hindi maghahain ng pagkaing ito. Di ba nga sa isa nating classic na pamaskong kanta nabanggit din ito na inihanda sa noche buena? Ganyan ka-sikat ang tinola.

Pangkaraniwan na ang manok ang tinotola. Pero ang totoo kahit baboy ay pwede din. Basta ang base na sangkap nito ay luya, papaya o sayote at dahon ng sili.

Mayroon na akong entry for tinolang manok. Bale ito na ang version 2 ko. May dinagdag kasi ako sa mga sangkap na mas lalong nagpasarap sa classic na tinola natin. Try nyo din ito. Masarap ang kinalabasan.


TINOLANG MANOK na may TANGLAD (Lemon grass)

Mga Sangkap:

1 Whole Chicken cut into serving pieces

1 medium size Green Papaya (hiwain sa nais na laki)

3 pcs. Siling pang-sigang

1 tali Dahon ng sili

3 tangkay ng Tanglad chopped (yung white lower portion lang)

2 thumb size sliced Ginger

4 cloves minced garlic

1 medium size onion chopped

achuete seeds (optional)

whole pepper corn

salt to taste

1/2 cup patis

1 Knorr chicken cubes (optional)


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserol, igisa ang luya, bawang, sibuyas at tanglad ayon sa pagkakasunod-sunod.

2. Ilagay ang manok at timplahan ng patis at paminta. Halu-haluin para masangkutsa. Takpan at hayaan ng mga 2 minuto.

3. Ilagay ang hiniwang papaya, siling pang sigang at lagyan ng tubig na para sa sabaw. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang papaya.

4. Ilagay ang katas ng achuete seeds para magka-kulay, knorr cubes. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto.

5. Huling ilagay ang dahon ng sili. tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!

Comments

Or add 10ml lemongrass hydrosol per 1,000ml soup #GoldInGrass is my recommendation

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy