BACON, TOMATO and CHEESE FRITTATA


May kamahalan ang bacon. Ang isang 250 grams ay nagkakahalaga ng mga P100+ pesos din. Papaano mapagkakasya ito kung lima kayo sa pamilya na kakain? Medyo bitin di ba? So ang pwedeng gawin ay gamitan ng mga extender. Katulad ng entry natin for today, 250 grams ito na bacon na nilagyan ko ng 3 itlog, kamatis, onion at cheese. Ang sarap ng kinalabasan. Masarap ito sa sinangag na kanin o kaya naman ay toasted bread. Try nyo ito.




BACON, TOMATO and CHEESE FRITTATA


Mga Sangkap:


250 grams Bacon (cut into small pieces)

1 large tomato (cut into cubes)

1 large White Onion chopped

1/2 cup Onion leaves chopped or Cilantro

1/2 cup grated Cheese

3 cloves Minced Garlic

2 tbsp. Olive oil or butter

4 eggs beaten

salt and pepper





Paraan ng pagluluto:


1. Sa isang non-stick pan, i-prito ang bacon sa kaunting mantika. Halu-haluin hanggang sa pumula ng kaunti. Itabi sa gilid ng kawali


2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Halu-haluin


3. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa. Hanguin sa isang lalagyan.


4. Sa isang bowl, batihin ang itlog at ilagay ang nilutong bacon.


5. Ihalo na din ang chopped onion leaves o kaya naman ay cilantro. Ilagay na din ang grated cheese.


Kung mayroon kayong oven:


6. Lagyan ng olive oil non-stick pan na ginamit at ibuhos dito ang pinaghalong sangkap.


7. Ilagay sa oven at hayaang maluto o hanggang sa mabuo ang itlog.


Kung wala naman, gumamit ng mas maliit na kawali. Kailangan ng plato na mas malaki sa kawali:


6. Maglagay ng olive oil sa kawali. Hayaang uminit muna at saka mag-prito ng tamang dami ng pinaghalong sangkap.


7. Kung sa tingin nyo ay luto na ang ilalim, takluban ng plato ang kawali at baligtarin.


8. Ibalik ito sa kawali para maluto naman ang kabila ng frittata.


9. Hanguin sa isang lalagyan.



Ihain na may kasamang catsup or sweet chili sauce.



Enjoy!!!


Comments

Cool Fern said…
parang omellete???sarap...
Dennis said…
Para..pero ang omellet kasi pinapalaman sa loob ng itlog yung laman...dito naman hindi...hinahalo sa itlog yung laman at saka niluluto hanggang sa mabuo.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy