BARBEQUE SPARERIBS with HOISIN SAUCE
First time ko lang gumamit ng Hoisin Sauce sa aking niluluto at masasabi kong hindi ako nagkamali sa pag-gamit nito. Kagaya nitong recipe natin for today. Barbeque Spareribs na bukod sa pinalambot ko sa barbeque marinade mix ay nilagyan ko pa ng hoisin sauce. Ang sarap talaga. Hindi nga napigilan ng asawa ko at mga anak na mag-kamay habang kinakain nila ito.....hehehehe. Try it!!!
BARBEQUE SPARERIBS with HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Spareribs
1 cup Mama Sita's Barbeque Marinade Mix
1 head minced garlic
2 tbsp. Hoisin Sauce
1 tbsp. Brown sugar
1 tsp. ground pepper
1 tsp. salt
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa hoisin sauce.
2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang laman ng karne. Maaring lagyan ng kaunting tubig kung natutuyuan ito ng sauce.
3. Hanguin ang karne at lutuin muli sa turbo broiler.
4. Haluan ng konting sauce ng pinagpalambutan ng karne ang hoisin sauce at ito ang ipahid sa nilulutong karne.
5. lagyan muli ng hoisin sauce ang karne at saka ihain.
Ihain na may kasamang atsara papaya.
Enjoy!!!
Comments