BEEF with POTATOES and GRAVY
Hindi ko akalain na ganito kasarap ang kakalabasan ng luto kong ito. Wala naman akong espesyal na sangkap na ginamit pero yun nga the final product was so good. Nakuha ko din lang ang recipe na ito sa aking paboritong food blog dito sa net ang http://www.pinoycook.net/. Thanks Ms. Connie. But ofcourse just like many other cook, binago ko naman ng kaunti ang paraan ng pagluluto ko. Sabi nga, do it in your own style...hehehehe
BEEF with POTATOES and GRAVY
Mga Sangkap:
750 grams Sliced Beef
3 pcs. medium Potatoes cut into cubes
1/2 cup butter
1 head minced garlic
1 large onion chopped
1 cup chopped onion leaks
2 tbsp. flour
1 tbsp. soy sauce
salt and pepper
1 tsp. maggie magic sarap.
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan hanggang sa lumampot ang hiniwang baka sa asin, paminta at onion leaks. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa isang kaserola, i-prito ang bawang sa butter hanggang mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong lutuan, igisa ang sibuyas. Halu-haluin.
4. Ilagay ang pinalambot na baka at lagyan ng sabaw ng pinaglagaan na tama lamang para maging sauce. Hayaang kumulo
5. Ilagay ang patatas. Hayaan kumulo hanggang maluto ang patatas. Lagyan pa ng sabaw kung kinakailangan.
6. I-adjust ang lasa. Lagyan ng asin, paminta at maggie magic sarap kung kinakailangan pa.
7. Ilagay ang tinunaw na harina para lumapot ang sauce.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bawang.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy the food!!!!
Comments
ang sarap mo talagang magluto,dennis...