CASHEW CHICKEN


Nag-uwi ng ganitong pagkain (cashew chicken) ang aking asawang si Jolly nitong isang gabi. Nagka-yayaan ata silang magkaka-officemate na kumain sa isang chinese restaurant sa may glorietta 5 sa makati. Masarap naman yung dish, yun lang matabang ito para sa aking panlasa. Naipangako ko tuloy na magluluto ako ng improved version ko nito.



CASHEW CHICKEN

Mga Sangkap:

500 grams Chicken breast fillet (walang balat)

1 pc. Green bell pepper cut into cubes

1 pc. Carrots sliced

1/2 Pipino cut into cubes

1 thumb size sliced ginger

1 Onion sliced

1 cup Toasted Cashew nuts

2 tbsp. Oyster sauce

1 tsp. Cornstarch

1 tsp. Sesame oil

1 tsp. sugar

salt and pepper


Paraan ng Pagluluto:

1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan muna ng ilang minuto.

2. Sa isang non-stick pan o kawali, i-prito ang manok sa kaunting mantika hanggang sa pumuti na ang kulay ng manok.

3. Itabi sa gilid ng kawali ang manok at igisa ang luya at sibuyas. Halu-haluin.

4. Ilagay na din ang carrots, pipino at cashew. Halu-haluin kasama ang manok.

5. Ilagay ang Oyster sauce, kaunting tubig at asukal.

6. I-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumpaot ang sauce.

8. Lagyan ng sesame oil bago hanguin sa isang lalagyan.

Ihain ng may ngiti sa labi.

Enjoy the cooking!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy