Ito ang isa sa mga handa ko nitong last birthday. Bumili ako ng 1 kilo ng chicken liver. Ang unang plano ay gawin ko itong sahog sa bringhe o arroz valenciana. Gusto ko kasi ng rice dish na yun. Kaso, kumontra ang asawa ko....hehehe. Tapos sabi ko chopsuey na lang para kako may gulay. Aba di pa rin siya agree. So ang ginawa ko kahit mahal ang brocolli ito ang inilahok ko sa atay ng manok. Ang you know what? Nagustuhan ng mga bisita ko ang dish na ito. Yung isa ko ngang officemate na kumare kong si Perly, mula daw nung nakakain siya ng medyo malansa yung luto, hindi na daw siya kumain ng atay ng manok. Pero nitong matikman niya itong luto ko, nagustuhan niya. Masarap daw at walang lansa ang atay.
CHICKEN LIVER and BROCOLLI in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo chicken Liver cut into serving pieces
500 grams Brocolli
1/2 cup Oyster Sauce
5 cloves minced garlic
1 large Red Onion chopped
1 tsp. brown sugar
1 tsp. cornstarch
salt and pepper to taste
2 tbsp. Olive oil
Paraan ng Pagluluto:
1. Pira-pirasuhin (bite size) ang bulaklak ng brocolli. Hugasan at ilagay sa steamer na ginagamit sa rice cooker.
2. I-steam ito kung magsimula ng kumulo ang sinaing sa rice cooker.
3. Hanguin sa isang lalagyan at budbudan ng kaunting iodized salt.
4. Sa isang non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
5. Ilagay ang atay ng manok...timplahan ng asin at paminta.
6. Isunod na din ang oyster sauce at brown sugar. Tikman at i-adjust ang lasa ng lutuin.
7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch sa tubig para lumapot ang sauce.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa paligid nito ang ini-steam na brocolli.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy the cooking!!!!
Comments