FISH, BASIL AND CHEESE SPRING ROLL
Kagaya nung nasabi ko sa last post ko na lupia, kahit ano mapa-gulay, manok o baboy man, pwede natin itong ipalaman. Pag-isipan na lang natin kung ano pa ang isasama para mas lalong sumarap ito. Ang isa nga sa mga suggestion ko ay ang pag-gamit ng mga sangkap na may strong flavor. Halimbawa na lang ay ang dahon na kinchay o wansuy. Pwede din ang isdang tinapa, o kaya naman smoke longanisa. Kung baga, ang pwedeng ipalaman natin sa lumpia ay endless.
Isa nga pala ito sa mga inihanda ko sa nakaraan kong kaarawan. May guest kasi akong muslim ay naghanda ako ng pwede niyang kainin o i-takeout. At ito na nga yun. Nagustuhan naman niya at ng asawa niya ang pagkaluto. Try nyong subukan na mag-experiment ng iba-ibang sangkap na palaman. Bukod sa masarap na ito, mura pa.
FISH, BASIL AND CHEESE SPRING ROLL
Mga Sangkap:
500 grams Fish Fillet (Any white meat fish will do) cut ito sticks
1/2 bar Cheese cut also like a stick
2 cups chopped fresh basil leaves
2 tbsp. Sesame oil
2 tbsp. Toasted Sesame seeds
40 pcs. Lumpia wrapper (yung square ang ginamit ko dito)
1 egg beaten
salt and pepper
cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta, sesame oil at sema seeds ang hiniwang fish fillet. Ilagay muna sa isang tabi ng mga 30 minutes.
2. Isa-isang balutin ng lumpia wrapper ang isda at lagyan ng cheese at chopped basil leaves.
3. Lagyan ng binating itlog ang gilid ng lumpia wrapper para maisara
4. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-kulay golden brown.
5. Hanguin sa paper towel para maalis ang excess na mantika.
Ihain na may kasamang sweet chili sauce.
Enjoy the cooking!!!!
Comments