FISH, LONGANISA and CHEESE SPRING ROLL





Nakakatuwang lutuin ang lumpia o spring roll. Ang dami mo kasing pwedeng gawing palaman dito. Mapa-prito man o fresh, solve talaga ito. Ofcourse very common sa atin ang lumpiang shanghai na giniling na baboy ang palaman. So para hindi naman maging boring ang ating lumpia, bakit hindi natin ito lagyan ng ibang palaman. Suggestion ko lang, gumamit tayo ng palaman na malasa o yung strong ang flavor. Ito ang ginawa ko sa recipe natin for today. Remember yung lumpia ko with char siu sauce? Thats my classic example. Yun nga palang ginamit ko dito ay half nung isda na ginamit ko sa una kong entry. Ang tipid di ba? hehehehe



FISH, LONGANISA and CHEESE SPRING ROLL


Mga Sangkap:

500 grams Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito) cut into sticks

4 pieces cooked longanisa cut like a stick

1/4 bar cheese cut also like a stick

1 cup chopped Kinchay

1 tsp. sesame oil

1 tsp. Maggie Magic Sarap

salt and pepper

Lumpia wrapper

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap at sesame oil ang fish fillet. Hayaan ng mga 30 minuto.

2. Sa isang lumpia wrapper, maglagay ng tig-iisang hiwa/piraso ng fish fillet, longanisa, cheese at kaunting chopped na kinchay.

3. Balutin ang lumpia...lagyan ng tubig o binating itlog ang gilid ng balat ng lumpia at i-roll ito.

4. I-prito ang lumpia sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.

5. Hanguin sa paper towel para maalis ang excess na mantika.

Ihain ito kasama ang inyong paboritong sweet chili sauce o catsup.

Enjoy the cooking!!!

Comments

Anonymous said…
pwede po bang tilapia fillet ang gamitin ko...my neighbor just give me a lot the other week.....tapos pwede po bang gamitin ang chinese sausage????thank you po.....
Dennis said…
Yup..any white fish will do. Mas masarap kung chinese sausage ang gagamitin mo..mas malasa.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy