FRIED TANIGUE in BLACK BEANS SAUCE
Medyo mahal na isda ang tanigue. Ang presyo nito per kilo ay para ka na ring bumili ng 1 kilong baka. Kagaya nitong niluto kong ito, P300 ang kilo nito. Sabagay, masarap naman talaga ang isdang ito. Mapa-prito man o may sabaw, panalo ang kain mo.
Nung una hindi ko maisip kung anong luto ang gagawin ko dito. Kakatapos lang namin ng isdang sinigang so prito talaga ang babagsakan. Inisip ko na lang, dapat espesyal ang gawin kong luto dito para masulit yung pagkakabili ko. Ang mahal kaya...hehehehe. At eto nga ang kinalabasan...pinirito ko muna sa olive oil at nilagyna ko ng black bean sauce. Panalo ito...try it!
FRIED TANIGUE in BLACK BEANS SAUCE
Mga sangkap:
1 kilo Sliced Tanigue
3 tbsp. Olive oil or butter
3 tbsp. Black Bean Sauce
2 tbsp. Oyster Sauce
1 tsp. cornstarch
3 cloves minced garlic
1 medium size onion chopped
1 thumb size grated ginger
1/3 cup Chopped Cilantro or Wansuy
Salt and pepper
1 tsp. sugar
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ang isda ng asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang isda sa olive oil hanggang sa pumula ang balat. hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali igisa ang bawang, sibuyas at grated ginger.
4. Ilagay ang black bean sauce at 1/2 cup na tubig.
5. Ilagay na din ang oyster sauce at yung stem part ng cilantro. Timplahan ng asin, paminta at asukal.
6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Ibuhos ito sa piniritong isda at lagyan ng chopped cilantro ang ibabaw.
Ihain ng may ngiti sa labi...hehehe
Enjoy cooking!!!!
Comments
i love this one...