GARLIC CHICKEN with MUSHROOM


Adobo dapat ang unang plano na gagawin ko sa manok na ito. Ewan ko ba bakit at the last minute nabago ang plano. Nakita ko kasi yung isang lata ng whole button mushroom, so naisip ko lang, bakit hindi ko ito gamitin. Dapat sana chicken with gravy and mushroom, kaso naparami ata yung garlic na nailagay kaya ayun nabago bigla ang kabuuan ng dish. Masarap naman ang kinalabasan kaya i-try nyo. It's a simple dish pero malasa dahil sa bawang.



GARLIC CHICKEN with MUSHROOM


Mga Sangkap:


1 kilo Chicken legs cut into serving pieces

2 head minced garlic

1 big can Whole button mushroom (hiwain a gitna)

1 cup butter

1 tsp. cornstarch

Maggie Magic sarap

salt and pepper to taste


Paraan ng Pagluluto:

1. Lagyan ng asin at paminta ang manok. Hayaan ng mga 15 minutes.

2. Sa isang non-stick pan, i-prito sa butter ang bawang hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa parehong kawali, i-prito ang manok hanggang sa pumula ang balat. Bali-baligtarin.

4. Ilagay ang sabaw ng mushroom sa niluluto at hayaang kumulo ng mga 15 minuto.

5. Ilagay na rin ang button mushroom at hayaan muli ng mga 15 minutes. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.

5. Tikman at i-adjust ang lasa. Lagyan ng maggie magic sarap. Lagyan din ng asin at paminta kung kinakailangan pa.

6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

7. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang naunang piniritong bawang.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy the cooking!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy