GOTO



Isang pagkaing pang-meryenda o pwede ding pang-almusal ang entry natin for today. May isa kasing nag-email sa akin na mag-post pa daw ako ng mga recipe na pang-meryenda. So eto nay un…hehehehe.

Goto Espesyal ang pangalan ng recipe natin. Ewan ko, basta dinagdag ko lang yung espesyal. Masyado kasing maigsi ang title kung goto lang ang ilalagay ko…hehehehe.

Maraming tawag sa pagkaing ito. Pangkaraniwan Lugaw ang tawag dito. Nagkaka-iba na lang ang tawag sa kung anong laman ang isasama mo dito. Di ba may Arroz Caldo o nilugawang manok…may Lugaw tokwa’t-baboy…sa mga Intsik naman congee ang tawag ditto…at ito ngang recipe natin na Goto. Ang pinaka-laman nito ay maaring tokong o laman loob ng baboy o kaya naman ay tuwalya o libro ng baka. Dapat sana gagawin kong callos ang tuwalya ng baka na ito. Pero eto nga sa goto nauwi ang lahat….hehehehe.


GOTO ESPESYAL

Mga Sangkap:

400 grams Tuwalya o Libro ng baka
1 cup Malagkit na bigas
1 cup ordinaryong bigas
2 thumb size sliced ginger
1 cloves minced garlic
1 large red onion chopped
½ cup Onion leaves chopped
5 pcs. Hard-boiled eggs
1 8g sachet Maggie magic sarap
2 tbsp. mantika

Paraan ng Pagluluto:
1. Linising mabuti ang tuwalya o libro ng baka. Pakuluan ito sa isang kaserolang may tubig at asin hanggang sa lumambot. Hiwain ito sa nais na laki. Ilagay muna sa isang tabi.
2. Sa isang kaserola, i-prito ang bawang sa mantika sa mahinang apoy hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Isunod na igisa ang luya at kasunod ang bawang.
4. Ilagay ang hiniwang lamang-loob ng baka…lagyan ng mga 5 tasang tubig at hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
5. Ilagay ang hinugasang bigas at malagkit at ordinaryo. Halu-haluin para hindi manikit sa kaserola.
6. Timplahan ng asin at Maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa

Ihain sa isang bowl at lagyan ng chopped onion leaves, piniritong bawang at nilagang itlog sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Note: Masarap na lagyan din ng patis at katas ng calamansi ang goto.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
sarap nito,dennis,pero di ba mapanghi yong mga libro na yan?
just asking po...
Dennis said…
Nasa tamang paglilinis naman dapat... di ba kahit naman yung meat ng baka may amoy din talaga....so tamang linis nung tuwalya o libro...kiskisin ng asin at pakuluuan na mabuti.

Dennis
cool fern said…
thanks,dennis, for answering my question...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy