HONEY GLAZED HERBED CHICKEN
Sa totoo lang, ang mga manok na ginamit ko dito sa lutuing kong ito ay part nung niluto kong steamed chicken (Abangan nyo susunod na yun). Para kasing duda ang asawa ko sa steamed chicken. Ang gusto niya i-turbo ko na lang. Kaya lang, komo nga interesado talaga ako sa stamed chicken, hinati ko na lang ang mga manok at eto nga ni-roast ko na lang sa turbo broiler. Aba, masarap din ang kinalabasan. Sabagay, ano ba ang hindi sasarap sa mga herbs sa ginamit ko at sa honey glazed....hehehehe. Ayun bundat na naman sa kabusugan ang mga anak ko....hehehehe
HONEY GLAZED HERBED CHICKEN
Mga sangkap:
1 kilo Chicken legs
1 tbsp. rock salt
1 tsp. groud pepper
1 tsp. dried Basil
1 tsp. dried rosemary
5 cloves minced garlic
2 tbsp. Pure Honey
1 tbsp. Soy Sauce
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang asin, paminta, dried basil, dried rosemary at minced garlic.
2. Ikiskis itong mabuti sa manok. Hayaan ng mga 1 oras o overnight.
3. Lutuin ito sa oven o turbo broiler at 350 degrees sa loob ng 40 minuto. Paligtarin after 20 minutes.
4. 10 minutes bago maluto, pahiran ang manok ng pinaghalong honey at soy sauce.
Ihain kasama ang inyong paboritong gravy o Mang Tomas Lechon sauce.
Enjoy!!!
Comments
Pagnagluluto ba sa turbo broiler, pede yun buksan kahit operational sya/ di ba delikado pag inangat yung ibabaw ng broiler?