JELLY PLAN



Yes, hindi kayo nagkakamali sa recipe na ito. Hindi ito Leche Plan, Jelly Plan talaga. But I tell you masarap ito katulad din ng leche plan. Yun nga lang mas light ito as compare sa napakatamis na leche plan. Ofcourse, wala pa ring tatalo sa paboritong panghimagas ng pinoy ang leche plan.

Matagal ko nang balak gumawa nito. Mula ng makuha ko ang recipe nito sa aking kapatid na si Shirley, nitong birthday lang ng anak kong si Jake natuloy ang pag-gawa ko nito. Hindi ko alam kung saan nag-origin ang dessert na ito pero the best magluto nito ang mga kapatid kong sina Ate Mary Ann at Shirley nga. Try nyo. First time ko nga na gumawa nito at hindi naman ako nagkamali. Masarap ito talaga.


JELLY PLAN

Mga Sangkap:

2 eggs
1 big can Claska Condensed milk

1 big can Alaska Evap (Yung white ang label)

4 cups water

1 bar Yellow color Gulaman

2 cups white sugar

2 tbsp. Vanilla essence or katas ng dahon ng dayap


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang bowl, paghaluin ang itlog, condensed milk, evaporated milk, 1 cup sugar at vanilla essence. Batihing mabuti. Kung may blender mas mainam

2. Gumawa ng caramelized sugar gamit ang 1 cup pa ng sugar. Lagyan ng kaunting tubig. Ilagay sa mga llanera.

3. Sa isang kaserola, lutuin ang gulaman sa 4 cups na tubig. Hayaan hanggang sa kumulo

4. Ilagay ang mga pinaghalong sangkap. Hinaan ang apoy ng kalan.
5. Haluin ng haluin hanggang sa pakiramdam nyo ay mabigat na ang paghalo.

6. Hanguin sa mga llanera na may caramelized sugar. Palamigin hanggang sa ma-set.

Ihain kasama ang inyong matamis na ngiti....:)

Enjoy the cooking!

Comments

thetsky said…
i made this jelly plan last weekend w/o the vanilla.nonetheless,it turned out to super yummy.
thetsky said…
i tried it last weekend.wala nga lang vanilla.but nonetheless,it taste good.very yummy.
Dennis said…
Sarap no? para ding leche plan...hehehehe. mas masarap kung lalagyna mo ng katas ng dayap sa halip na vanilla. panalo talaga..

Thanks thetsky...

Dennis
ritz said…
nakita ko ang website nio sa habang naghahanap ng recipe ng asado.. and this time, since nakita ko ang jelly plan nato at may ingredients ako dto sa haus, ill try cooking it... im out of the country and mahirap para samin ang magisip ng menu.. hay i hope itll turn out sooper sarap gaya ng sabi mo... hehehe... keep posting your yum yum recipe mang dennis.... big hit! ;) God bless
Dennis said…
Hi Ritz.....just follow carefully the instruction...tried and tested na ang recipe na yan. I'm sure magugustuhan mo yan. Ayos na ayos din yan sa mga diabetic...kasi hjindi masyadong matamis.

Thanks


Dennis
Anonymous said…
can i use mr. gulaman instead of gulaman bar? is there any difference? thanks
Dennis said…
Hi Anonymous.....Yup pwede din...sundan mo lang yung dami ng tibig sa package direction.

Dennis
correct i tried it also its so yummy and so sweet just like the old time favorite of the Filipino the leche flan...keep on posting mr.denis the good recipe that pinoy will love it
try nyo dn guys kc you will enjoy eating this kind of dessert....hmmmm yummy
Dennis said…
Hi Canna....natutuwa naman ako at nagustuhan mo din ang dessert na ito.

Regards,

Dennis
Unknown said…
hi... kung mr gulaman ung gagamitin ko ilang packs ung dapat kong bilin?.
Dennis said…
Thanks Darlyn....1 sachet is okay. just follow the amount of water to be used.
Unknown said…
Triny ko lng po gawin itong jelly plan and it turns out to be super yummy tulad ng mga previous comments, try nyo din di kayo magsisisi. God bless Sir Dennis.
Dennis said…
Hi Marybeth...Salamat naman at nagustuhan mo itong jelly plan na ito. Please share this also (the blog) with your friends and relatives. Dont forget to click also the Ads for my points fom Google. :)
Euryphaessa said…
i'll try this later..fingers' crossed!
Dennis said…
Thanks Ms. Thea...just follow carefully the instructions.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy