MY 42nd BIRTHDAY - THANK YOU MY LORD





It's my 42nd birthday last September 12. Every year, iniraraos ko ito kahit papaano. Natatandaan ko kasi nung bata pa ako, ganun din ang ginagawa ng aking namayapang Inang Lina. Basta kahit ano magluluto siya just to celebrate mg birthday. Minsan, nagluluto siya ng mga kakanin, minsan naman nilugawang manok o kaya naman pancit. Kahit simple lang yun tuwang tuwa na ako, kasi nga dapat daw ipagpasalamat ang mga kaarawan na dumadating sa atin, at ito daw ay isang napakalaking biyaya sa atin ng Diyos. Kaya naman sa aking ika-42 kaarawan, ibinabalik ko ang pagpupuri at pasasalamat sa ating Diyos na Lumikha. Salamat, at sa 42 taon ng aking buhay, ni minsan ay hindi pa ako na-confine sa hospital. At sa awa din ng Diyos malakas pa tayo na nabubuhay.







Sa baba ang mga kaibigan ko na hindi nakakalimot...kahit umuulan at malayo pa ang kanilang tinitirhan ay pumunta pa rin sila para makisaya sa aking kaarawan. From left my wife Jolly, Shiela, Franny at John.







Dumating din ang ilan sa mga officemate ko. Seated, si Ms. Lhen, ang kumare kong si Perly. The guy standing is my Boss Joey and his wife Anna.




Ito naman ang mga staff ko na very supportive sa akin. From left: Lerie, Norbert, in the middle ofcourse my Boss Joey, naka-cap si Edward, at the back si Richard at yung naka-upo sa baba si Ian. Nakakatuwa nga kasi si Ian Muslim siya..di ba ramadan ngayon...so kahit hindi siya kakain pumunta pa rin siya to celebrate with us. Kaya ayun pinabalutan ko na lang siya.




Ofcourse, basta mayroong may kaarawan sa aming bahay, pwede ba naman na walang pagkain. Syempre, yung mga espesyal ang aking ihahanda.



Lechon sa Hurno o pata na niluto sa turbo broiler. Sarap nito. Nakalimutan ko lang ang sawsawan....hehehe


My another Lumpia version. This time nilagyan ko naman ng fresh basil leaves, fish fillet at cheese. Abangan nyo ang posting ko ng recipe nito.



First time ko lang magluto ng dish na ito. Drunken Porkloin with Hoisin Sauce. Puring-puri ito ng mga bisita ko. Abangan din ang recipe...hehehe



Chicken with Honey-Ginger-Lemon Sauce naman ito. Nilagyan ko ng toasted sesame seeds, sesame oil at Kinchay sa ibabaw para mas lalo siyang sumarap.



Another experiment. Chicken Liver and Brocolli in Oyster Sauce. May kwento kung bakit nauwi sa ganitong luto ang atay ng manok na ito...hehehe...abangan.



Ofcourse, mawawala pa ang noodles. Meatless pasta ito. Nilagyan ko lang ng toasted garlic, fresh basil leaves, grated cheese at maraming butter at olive oil.


Syempre magtatapos ang kainan with the desserts. Leche Plan. Hindi ko nakunan ng picture yung fruit salad na ginawa ko.

It's another year...Sana sa susunod na taon sa aking buhay ay maging maayos ang lahat....sana din ay active pa rin ako sa food blog kong ito...ito lang kasi ang libangan ko sa araw-araw...hehehe


God Bless us All!!!

Comments

Anonymous said…
ay sarap! baked or steamed po ba yung leche flan na ginawa ninyo?
Dennis said…
Ay sorry...di ko ata na mention na hindi ako nag nagluto ng leche plan....In-order lang yun ng misis ko sa kakilala niya. Don't worry magpo-post ako ng recipe ng sarili kong leche plan.

Thanks for visiting...


Dennis
marinette_12 said…
HAPPY BIRTHDAY DENNIS! MORE BLESSINGS & MANY MORE BIRTHDAYS TO COME.
Dennis said…
Thank you marinette_12

Dennis
Cool Fern said…
better late than never....happy happy bday to u,dennis..sorry hindi ako naka bisita lately kasi i got soooo bz facebooking...hahaha...
Dennis said…
Bakit? busy na busy ka din sa kakatanim at kakaani ng mga gulay? hehehehe...Invite mo ako....
cool fern said…
di ko alam paano mag invite...but u can invite me?my name there is evelyn abueva...abueva is my maiden name...i used abueva para makita ako ng mga kaklase ko sa hi school n probably elementary...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy