PAKSIW NA PATA with LECHON SAUCE



May nag-email sa akin na Pinoy na naninirahan na sa Amerika na kung pwede daw mag-post ako ng mga recipe na pwedeng lutuin sa slow cooker. Sa totoo lang hindi pa ako nakakagamit ng ganun. Pero sa tingin ko ay para lang siyang rice cooker na ilagay mo lang ang lahat ng sangkap dun at lulutuin na. Sabagay, dahil sa sobrang busy ng tao sa US of A..talaga namang wala na silang time pa para magluto ng mga masasarap na pagkain.

Kaya eto, simpleng lutuin na pwedeng lutuin sa slow cooker. Simpleng lutuin pero masarap. Ingat lang ng konti sa taba...hehehehe.


PAKSIW NA PATA with LECHON SAUCE

Mga Sangkap:

1-1/2 kilo Pork Pata (sliced)

1 head minceds garlic

1 large red onion chopped

1 tsp. ground pepper

1 tsp. salt

2 cups mang Tomas Sarsa ng Lechon

1/2 cup Soy sauce

1/2 cup Vinegar

3 tbsp. brown sugar


Paraan ng Pagluluto:

a. Kung slow cooker ang gagamitin, ilagay lang ang lahat ng sangkap.

b. Kung hindi naman:

1. Sa isang kaserola, pakuluuan ang pata ng baboy sa tubig na may asin.

2. After ng mga 5 minuto, hugasan ang karne para maalis ang mga namuong dugo.

3. Ibalik sa kaserola ang karne at ilagay ang lahat ng sangkap.

4. Hayaan kumulo hanggang sa lumambot ang karne.

5. I-adjust ang lasa. lagyan pa ng asin, paminta o asukal kung kinakailangan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!

Comments

Cool Fern said…
sarap nito ah..
Dennis said…
Meron ba akong nilutong hindi masarap.....hehehehehe....joke...Meron din pala...siguro not as expected lang....hehehehe
Cool Fern said…
tumpak..hahaha..lahat ng luto mo masarap..kudos to you...keep it up...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy