PORKCHOPS with HOISIN SAUCE


Nakakasawa na ba ang prito o bistek na porkchops? Eto ang ibang luto na pwede nating gawin. Kakaiba ang lasa at medyo chinese ang dating. Ofcourse, masarap naman talaga ang breaded porkchops at bistek...kung baga para maiba lang. Try nyo ito at sigurado kong magugustuhan ng inyong mga anak ang lutong ito.



PORKCHOPS with HOISIN SAUCE



Mga Sangkap:



1 kilo Porkchops

6 pcs. Calamansi

2 tbsp. Hoisin Sauce

2 tbsp. Soy Sauce

1/2 carrots cut into sticks

2 cloves minced garlic

1 thumb size grated ginger

1 tbsp brown sugar

1 tbsp. corn starch

1 cup flour

salt and pepper

cooking oil for frying



Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang porkchops sa asin, paminta at katas ng calamansi. Overnight mas mainam.

2. Ilagay ito sa isang plastic bag at lagyna ng harina, konting asin at paminta. Aklog-alugin hanggang sa ma-coat ang porkchops ng harina.

3. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa pumula ang balat nito.

4. Bawasan ng mantika ang kawali at igisa ang bawang at luya

5. Ilagay ang carrots, toyo, brown sugar, hoisin sauce at kaunting tubig.

6. Timplahan ng paminta at asin kung kinakailangan pa.

7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

8. Ibuhos ito sa piniritong porkchops.



Ihain habang mainit pa.



Enjoy the cooking!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy