ROAST CHICKEN in SINIGANG MIX
Natatandaan nyo yung entry ko na Pork Sinarabasab? Isang Ilocano dish na nabasa ko din lang sa isang food blog dito sa net. Ito ang naging inspiration ko sa recipe natin for today. Ang pagkakaiba lang nito ay ni-roast ko ito sa turbo broiler, hindi ko nilagyan ng brown sugar at manok ang ginamit ko.
Dito ko napagtanto na napaka-versatile pala talaga ng sinigang mix. Hindi lang ito talagang masarap sa mga sinigang nalutuin, kahit pala sa mga prito o roast dishes man din. I-try nyo ito. ayos na ayos ito sa mga pambaon at maging sa mga picnic.
ROAST CHICKEN in SINIGANG MIX
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken legs o 1 whole chicken
1 40g sachet Sinigang mix
2 tbsp. rock salt
1 tsp. ground pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. Paghaluin ang asin, paminta at sinigang mix.
2. Ikiskis na mabuti ito sa katawan ng manok. Mainam kung hihiwaan o gigilitan ang laman ng manok para mapasukan ng marinade mix. Tiyakin na nalagyan ang buong parte ng karne ng manok.
3. Balutin ng plastic at ilagay sa refrigerator ng mga 2 araw. mas matagal ofcourse mas mainam.
4. Lutuin ito sa turbo broiler o oven sa 350 degrees sa loob ng 45 minuto o hanggang sa pumula ang balat ng manok.
Ihain kasama ang inyong paboritong sauce. Kami Mang Tomas lechon sauce ang ginamit namin. Masarap talaga siya.
Enjoy!!!!
Comments