SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK


Bukod sa Adobo, ang sinigang marahil ang pagkaing Pilipino na maipagmamalaki talaga natin. Katulad nga ng adobo, marami din itong variety. Mapa isda, baboy, manok o baka man ay pwedeng isigang. At iba-iba din ang pang-asim na ginagamit dito. Pangkaraniwan ang sampalok. Pwede din ang kamyas, o kaya naman kalamansi, may nadinig nga ako santol naman. May gumagamit din ng pinya at kahit ano pa mang pwedeng pang asim.

Sa panahon ngayon, napakadali lang na magluto ng sinigang. Ang dami na kasing available na sinigang mix na ibubuhos mo na lang sa iytong niluluto. But ofcourse, iba pa din ang orig o yung niluto mo kung papano ito niluluto noong araw.

Ito ang ishe-share ko sa inyo for today. Sa sinigang na ito, hbindi ako gumamit ng instant sinigang mix. Talagang sa purong bunga ng sampalok ko kinuha ang pangasim. Sa isang masarap na lutuin, bukod sa pagmamahal na inilalahok mo dito, mas masarap pa rin kung ito ay iyong pinaghihirapan.


SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK

Mga Sangkap:

1 kilo Beef Brisket or Camto cut into cubes

250 grams Bunga ng sampalok

1 tali kangkong

1 pc. Labanos

1 tali Sitaw

3 pcs. siling pang sigang

250 grams Gabi

2 medium size Tomato chopped

1 large red onion chopped

Asin at patis


Paraan ng Pagluluto:

1. Ilaga ang bunga ng sampalok sa isang kaserolang may tubig. Hayaan hanggang sa lumambot ang samplalok.

2. Hanguin sa isang lalagyan at durugin hanggang sa lumabas ang katas ng sampalok.

3. Salain ang katas at ilagay saisang lalagyan.

4. Sa isang kaserola, pakuluan ang baka ng mga 5 minuto. Hanguin ito at hugasan muli para maalis yung mga dugo na namuo sa sabaw. Palitan ng tubig at muling pakuluuan hanggan sa lumambot ang karne.

5. Ilagay ang asin, sibuyas, kamatis at gabi. Hayaang kumulo hanggang samaluto ang gabi.

6. Ilagay ang sitaw at labanos. Hayaan ng mga 3 minuto

7. Ilagay ang katas ng samplako at talbos ng kangkong.

8. I-adjust ang lasa sa paglalagay ng asin o patis.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!

Comments

Unknown said…
Kaden,
ngayon lang ako napagawi sa blog mo...tumutingin kasi ako ng mga luto sa gata...ang lupet ng blogs mo, naubos ang buong hapon ko sa kababasa ng bawat isang entry, hindi tuloy ako nakapag-trabaho,hehehe. naaliw ako sa yo, saa pagluluto, at sa mga kuwento mo....tenkyu. hayaan mo i-share ko to sa mga kaibigan ko rito sa los angeles,ca. at lalo na sa wife ko at susubukan ko rin na mag-luto at gayahin ang mga entree mo...(sana hindi ka mag-sawa i share ang mga nalalaman mo sa pag-luto)...minsan, matitikman ko rin ang mga luto mo.

toto
los angeles,ca
necallal@msn.com nepototo@yahoo.com
Dennis said…
Thanks Ka Toto hehehe...

Salamat naman at nagustuhan mo ang mga recipes ko. Mas mainam kung matitikman mo din ito. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, lahat ng na-post ko dito ay talaga namang masarap. May mga palpak din..di ko na lang pinost...hehehe

Regards,

Dennis
Anonymous said…
hi Dennis, i am one of your supporter. Kase mahilig din akong magluto. At present i am working here in abroad, Abu Dhabi UAE. 11 years na ako dito at sobrang hilig ko talaga ang magluto. Minsan nakaka sawa narin yung ibang mga recipe na niluluto ko, kaya malaking tulong talaga ang iyong site kc marami din akong nakukuhang bagong recipe. I wonder lng bakit lagi kang may magic sarap sa iyong mga ingredients. Kc ako pag nagluluto, hindi ako nag lalagay ng mga sangkap na katulad ng betsin, cubes at magic sarap. mas masarap ba kung lalagyan mo ng magic sarap. Kase hindi rin available yan dito.

Till then and more power to you.
Just keep on sharing your recipes coz it will help a lot lalo na sa katulad kong career woman.

God bless and keep up the good work.

Sincerely,
Rhea Acosta
Abu Dhabi, UAE
Dennis said…
Thanks Rhea,

Optional pa rin ang pag-gamit ng maggie magic sarap....nakasanayan ko lang itong gawin kasi talaga namang nae-enhance ang flavor ng lahat ng lutuin. Ofcourse in moderation ang dapat na paggamit nito.

Dennis
shylock said…
Hi Dennis,Di ako marunong magluto kya search ako ng madaling recipe and I happened to visit ur blog...laking tulong talaga

Sana dagdagan u ng mga lutong gulay at isda para sa d masyado kumakain ng meat...thnx

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy