Hindi pangkaraniwan sa ating mga Pilipino ang mga pagkaing ini-steam o pinasingawan lang. Ito ay pamamaraan ng pagluluto na minana natin sa mga Intsik. Di ba gustong-gusto natin ang mga pagkaing siopao at siomai? Yung steamed lapu-lapu di ba ang sarap-sarap din nyon? How about steamed chicken?
The first time na naka-tikim ako ng pagkaing ito ay nung napunta ako ng Hong Kong for a training. That's a long time ago...hehehehe. Ang natatandaan ko may sawsawan pa yung parang oyster sauce na ewan ko kung ano yun, pero masarap siya.
For this recipe, nag-research ako ng kaunti para naman may masarap akong mai-share sa inyo. Sa totoo lang, ang sarap nito. Kakaiba sa mga pangkaraniwang luto natin sa ating mga manok. Try it!
STEAMED CHICKEN with GARLIC & GINGER DIP
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Legs (lagyan ng mga tatlong hiwa sagad hanggang sa buto)
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Dried Rosemary
2 tbsp. rock salt
1 tsp. ground pepper
1 tsp. sesame oil
1 thumb size grated ginger
1 tangkay na Tanglad o lemon grass
2 pcs. dried laurel leaves
For the Dip:
1/2 cup Olive oil or peanut oil
1 thumb size grated ginger
3 cloves minced garlic
1 tbsp. honey
salt
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang asin, paminta, dried basil, dried rosemary at minced garlic.
2. Ikiskis ito sa manok. Lagyan ang mga hiniwaan para pumasok ang flavor. Hayaan ng mga isang oras. Mas matagal mas mainam.
3. Ilagay ang sesame oil at i-masahe sa mga manok.
4. Sa isang steamer, ilagay ang tubig, dried laurel at tanglad. Ilagay sa kalan at hayaang kumulo.
5. Ilagay sa steamer ang manok at hayaang mapasingawan ng mga 30 minuto o hanggang sa maluto ang manok.
6. For the dip, paghaluin lang ang lahat ng mga sangkap.
Ihain ang steamed chicken kasama ng garlic-ginger dip.
Enjoy the cooking!!!!
Comments