TORTANG ALAMANG ESPESYAL
Narito ang isang dish na napaka-simple at napaka-tipid. Budget meal kung baga. Bakit hindi, mura lang kasi ang bili ko sa alamang. At kung tutuusin nga ang kabuuan ng nagastos ko sa dish na ito siguro aabot lang ng P60 lahat lahat. Ang tipid di ba? Matipid pero hindi matipid sa lasa. Nagustuhan nga ng asawa kong si Jolly at mga anak ko.
Papano pala naging espesyal? Well, nilagyan ko ng chopped fresh basil leaves at olive oil ang ginamit ko sa pagpi-prito. Try nyo ito, ang sarap.
TORTANG ALAMANG ESPESYAL
Mga Sangkap:
1/2 kilo Alamang
2 eggs beaten
3 tbsp. harina
1/2 cup chopped fresh basil leaves
1/2 cup Olive oil
1 tsp. salt
maggie magic sarap
Paraan ng Pagluluto:
1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa olive oil
2. Sa isang non-stick pan, ilagay ang olive oil, hayaang uminit ang kawali.
3. Sa isang platito, maglagay ng mga 2 o 3 kutsara ng pinaghalong sangkap.
4. I-prito ito hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
Ihain na may kasamang catsup o kaya naman toyo na may calamansi.
Sarap nito...Enjoy!!!
Comments