TURBO BROILED SPARERIBS


Ito yung ni-request ng anak kong si Jake na gusto niyang handa sa birthday niya. Kaya naman kahit na may kamahalan ang spareribs sa supermarket, bumili pa rin ako. Imagine, P420 yung spareribs pa lang....hehehehe. Pack-pack kasi ang bili nito.

As compare dun sa una kong entry na barbeque spareribs, iba ang timpla at lutong ginawa ko dito. Una, hindi ko ito ginamitan ng instant barbeque sauce. Actually, aksidente lang. Hindi ko alam naubusan na pala ako ng barbeque sauce na mama sita....hehehe. Pangalawa, from the marinade, diretso na agad sa turbo broiler. Yung una kasi, pinalambot ko muna sa marinade mix at saka ko sinalang sa turbo. Dalawang luto kung baga. Pero yun nga, ang sarap ng kinalabasan. Puring-puri nga ng kapitbahay ko ang luto kong ito. Ayun kinausap ako kagabi at ipag-timpla ko daw siya nga ganun....hehehehe



TURBO BROILED SPARERIBS

Mga Sangkap:

2 kilos Pork Spareribs (i-cut na magkakasya sa turbo broiler)

1 cup Soy sauce

3 tbsp. Hoisin sauce

1 tsp. ground pepper

1 tbsp. rock salt

2 tbsp. brown sugar

2 head minced garlic

2 tbsp. honey

1 tsp. cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang spareribs sa lahat ng sangkap maliban sa honey at cornstarch. Hayaan ng mga 1 araw sa freezer ng fridge. Mas matagal mas mainam.

2. Lutuin ito sa turbo broiler at 350 degrees sa loob ng 45 minutes to 1 hour o hanggang sa maluto ang karne.

3. Sa isang sauce pan, ilagay ang marinade mix hanggang sa kumulo.

4. Ilagay ang honey at cornstarch. Halu-haluin. tikman at i-adjust ang lasa.

5. Ipahid ang sauce na ito sa nilutong spareribs.

Maari ding ihain ang sauce sa tabi ng spareribs. Maghanda lang ng maraming tissue paper habang kinakain ito....hehehehe.

Enjoy the cooking!!!

Comments

cool fern said…
nagluto din ako nito ,dennis, but mine is baked in the oven for at least 2 hrs..talagang malambot ang meat niya...kung baby back naman ang gamitin ko..mga isat kalahating oras lang ang cooking time...
keep blogging,dennis...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy