BISTEK na MANOK
Correct ka dyan! Hindi mali ang nabasa mong title ng recipe natin for today. akala nyo siguro tipo error ano? hehehehe . . . Bistek na manok? Yes. Why not? Kung ang bangus o alin mang isda pwedeng i-bistek, bakit naman hindi ang manok? Hehehehe.
Bistek ay ang ating local version ng Beef Steak. Kaya nga ang iba ang tawag pa dito ay Bistek ala Pobre..kung baga Poor man's beef steak.
Ang bistek ay isang lutuin na may sangkap na toyo at katas ng calamansi. Simple dish pero punong-puno ng linamnam. Kaya naman siguro kahit ang mga foreigner na nakakatikim nitong bistek natin ay nasisiyahan din.
BISTEK na MANOK
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (Hiwain sa nais na laki)
1 cup Soy sauce
8 pcs. Calamansi (juice)
1 head minced garlic
2 pcs. Red Onion cut into rings
1 tsp. ground pepper
1 tbsp. toasted garlic
1 tsp. maggie magic sarap
1/2 tsp. cornstarch
2 tbsp. cooking oil
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa katas ng calamansi, toyo at paminta. Overnight mas mainam.
2. Sa isang non-stick pan, i-prito ang hiniwang onion rings hanggang sa maluto ng kaunti. hanguin sa isang lalagyan.
3. Igisa na din ang bawang hanggang sa pumula ito.
4. Ilagay na ang manok kasama ang marinade mix. Takpan at hayaang maluto.
5. Tikman at maaring i-adjust ang lasa sa paglalagay pa ng toyo, asin, paminta at maggie magic sarap.
6. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabay ang piniritong onion rings at toasted garlic.
Ihain kasama ang mainit na kanin at mainit nating pagmamahal.
Enjoy!!
Comments
DEnnis
Marge
Sorry ngayon lang ako naka-reply sa comment mo. Actually nasa hospital pa ako nung time na yan.
Thanks for visiting my food blog...kung may tanong ka just email mo. Madami pang susunod na recipe....abangan.
Dennis