PORK TAPA
Ayon sa Wikipedia , ang tapa o pindang ay isang popular na ulam sa Pilipinas. Kadalasaang itong mga maninipis na hiwa ng tinuyong laman ng baka ngunit maari ding itapa ang ibang karne o isda. Hinango ang salitang "tapa" mula sa salitang Kastila na tapas, mga pagkaing merienda na nagmula bilang panakip (tapa) ng mga inumin upang hindi langawin. Ginagawang tapa rin ang karne ng usa. Karaniwang panimpla sa paghahanda ng mga tinatapa o tinutuyong (isang proseso tinatawag ding "paggamot" sa) karne ang asin at suka.
Naging popular sa ating mga ninuno ang pag-gawa nito o ang pagtatapa sa ating mga ulam na karne o isda. Komo nga hindi pa naman uso noon ang fridge, ganito ang ginagawa nila para mapatagal ang buhay ng karne o isda at ng hindi mabulok.
Sa entry natin for today, itong paraang ito ang ginawa ko sa nabili kong 1 kilo na pork steak. Actually bigla na lang pumasok sa isip ko na gawin ito, komo nga walang babaunin na pang-ulam ang mga anak ko na papasok sa school. Tamang-tama din kasi ang nabili kong karne ay medyo manipis nga ang pagkakahiwa. Try nyo ito. Simple pero masarap.
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Steak
1 cup vinegar
2 tbsp. rock salt
1 tsp. ground pepper
1 head minced garlic
1 tsp. maggie magic sarap
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Lagyan ng asin ang magkabilang side ng karne.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang suka, paminta, bawang at maggie magic sarap
3. Isa-isang ilubog dito ang mga inasinang karne at ilatag sa isang lalagyan. Lagyan ng kaunting bawang ang bawat hiwa ng karne. Hayaan ng mga 30 minuto. Mas matagal o overnight mas mainam.
4. Isa-isang i-prito ito sa kaunting mantika hanggang sa maluto at pumula ang balat.
Ihain kasama ang mainit na kanin.
Enjoy!!!
Comments
i will try your recipe...
tenks,dennis,for sharing..
Dennis