2 SAUSAGES & SPINACH OMELLET
Another breakfast entry tayo for today. May mga nag-email sa akin na sana daw ay mag-post pa ako ng maraming dish na pwedeng pang-almusal at pambaon sa school ng mga anak nila. Eto na ang kasagutan sa mga nag-email sa akin.
Madali lang lutuin ito. Actually, ang maganda sa dish na ito ay yung kakaibang sarap kumpara sa pangkaraniwang almusal na inihahain natin sa ating mga pamilya. Mula nung masubukan at matikman ko ang Chinese sausage na ito naging part na din ito tuwing ako ay mag-go-grocery. Masarap kasi ito sa omellet o kaya naman ay sa mga saucy dishes like caldereta o kaya naman ay pasta dishes. Di ba yung last na entry ko may sausage din? Try nyo ito...masarap...yun lang medyo may kamahalan ng kaunti...hehehe
2 SAUSAGES & SPINACH OMELLET
Mga Sangkap:
3 pcs. Chinese Sausages thinly sliced
3 pcs. Mekeni Hamonado Longanisa thinkly sliced
4 eggs beaten
a bunch of chopped spinach
2 pcs. large tomato chopped
1 large white onion chopped
3 cloves minced garlic
1/2 cup butter
1 tbsp. sesame oil
1/2 cup grated cheese
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang non-stick pan, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter o mantika.
2. Ilagay ang 2 klaseng sausage at halu-haluin.
3. Timplahan ng asin at paminta.
4. Ilagay ang spinach at halu-haluin. Ilagay na din ang grated cheese.
5. Ilagay na ang binating itlog at halu-haluin para hindi mamuo ang itlog.
6. Ilagay ang sesame oil at hanguin sa isang lalagyan.
Ihain kasama ang inyong paboritong sinangag o toasted bread.
Enjoy!!!
Note: Kung gusto nyo na style fritatta, after na ibuhos ang binateng itlog, hayaan lang na mabuo ang itlog sa mahinag apoy. O kaya naman ay ipasok sa oven.
Comments