ALIMASAG, SITAW at KALABASA sa GATA
Another seafood dish tayo ngayon. Di ba sabi ko nga sa nakaraan kong entry na medyo bawas muna ako sa karne? Kaya eto, my 3rd seafood dish para sa ating munting tambayan.
Actually, madali lang itong dish na ito. Tambog-tambog lang ng mga sangkap and presto may masarap na ulam ka na. Pwede din palang lagyan ito ng spinach o kangkong kung gusto ninyo.
Also, komo nga may kamahalan ang alimasag, nilagyan ko na lang ng kalabasa at sitaw as extender. Alam nyo ang laki ng idinagdag na sarap sa dish ng nilagyan ko ng mga gulay na ito. Sabagay, ano ba ang hindi sasarap sa lutuing may gata ng niyog? hehehehe. Try nyo ito...masarap talaga.
ALIMASAG, SITAW at KALABASA sa GATA
Mga Sangkap:
1 kilo Female Alimasag (Hiwain sa gitna)300 grams Kalabasa cut into cubes
1 tali Sitaw (Hiwain ng mga 2 inches ang haba)
1 thumb size Ginger
5 cloves minced garlic
1 large chopped onion
2 cups Kakang gata
Maggie Magic Sarap
salt and pepper
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika
2. Ilagay ang alimasag at timplaha ng asin at paminta. Halu-haluin
3. Ilagay na din ang kalabasa at sitaw. Lagyan ng kaunting tubig at hayaang maluto.
4. Kung malapit ng maluto, ilagay ang kakang gata at maggie magic sarap.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Maaring lagyan ng siling pang-sigang para magkaroon ng kaunting anghang ang lutuin. Hindi ako naglagay ng sili komo may mga bata na kakain nito. Try nyo...masarap talaga ito..
Comments
Well...mapaparami talaga ang kain mo pag ganito ang ulam...lalo pa kung kumakain ka ng naka-kamay....hehehehe
Dennis