BEEF MACARONI in TOMATOES, BASIL and CHEESE SAUCE
Ang hirap mag-isip ng pagkain na pang-almusal. Nakakasawa na ang paikot-ikot na hotdog, cornedbeef, itlog, lucheon meat, etc. etc. Alam naman natin na ang breakfast ang pinaka-importanteng meal sa isang araw.
For a change, nagluto ako ng pasta for breakfast. At ito nga ang entry natin for today. It's a simple pasta dish na ginamitan ko ng gourmet pasta sauces ng Del Monte. For this entry, I used tomatoes and basil spaghetti sauce. There are other varieties like pesto and Cheese or mushroom and cheese, etc. Try nyo ito. Masarap...at para maiba naman sa mga ordinary breakfast na inihahanda natin. I'm sure magugustuhan ito ng mga anak ninyo.
BEEF MACARONI in TOMATOES, BASIL and CHEESE SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Macaroni pasta
300 grams Ground beef
1 tetra pack Del Monte Tomato and Cheese Sauce
1 cloves minced garlic
1 large chopped red onion
3 tbsp. Olive oil
1/2 tsp. Dried basil
1 cup grated cheese
2 tbsp. butter
salt and pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta macaroni according to directions. Huwag i-over cooked
2. Sa isang kawali o non-stick pan. igisa ang bawang at sibuyas sa butter. Halu-haluin.
3. Ilagay ang giniling na baka at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin at hayaang maluto hanggang sa mawala na ang pagkapula ng karne.
4. Ilagay ang tomato and Cheese sauce at halu-haluin.
5. Ilagay na din ang dried basil at i-adjust ang lasa.
6. Hinaan ang apoy at ilagay ang nilutong macaroni. Ilagay na din ang olive oil. Haluing mabuti hanggang ma-coat mabuti ang pasta ng sauce.
7. Ihain at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.
Ihain na may kasamang toasted bread o mainit na pandesal.
Note: Nung inihain ko ang dish na ito, sinamahan ko pala ng toasted bread na nilagyan ko ng dried basil na inihalo sa olive oil. Ang sarap talaga....hehehehe
Comments
i miss heavy breakfast. most of my housemates are foreigners and they think that it's weird to eat rice for breakfast or something that is usually served during dinner.
i even got made fun of kasi i use spoon and fork to eat.
ahh..the wonders of living in a foreign land.
sometimes i feel the need to conform like eat cereal, toasted bread with butter, milk or orange juice para lang di ako mapagtawanan pero talagang kanin talaga all the time ang nakasanayan ko.
oh my lola used boiled bayabas leaves to douse any wounds. baka po makatulong sa sugat ninyo para gumaling kaagad.
thanks again for the wonderful recipes.
Thanks for visiting my blog...madaming pang susunod.
Dennis
Dennis