BEEF PARES


First time ko pa lang magluto ng Beef Pares. Bago ko sinubukang magluto nito, kuta-kutakot na research ang ginawa ko sa net para makakuha ng tamang sangkap at pamamaraan ng pagluluto nito. Aba mahirap na, ang mahal kaya ng baka. Actually, I combined lahat ng nabasa ko na recipe and I come up with this as our entry for today.

Dapat sana simple nilagang baka lang ang gagawin ko. Kaya lang, with those pictures sa mga food blog ng beef pares, parang natakaw ako sa subukan na ito ang lutuin ko.

Hindi naman ako nagkamali. Masarap ang kinalabasan ng beef pares ko. Parang Korean beef stew na naluto ko na rin before.

Syanga pala, kaya pala beef pares ang tawag dito ay inihahain ito na may kasama o ka-pares na garlic rice o sinangag. Sikat na sikat itong putahe sa mga kariderya o mga tapsihan dito sa Maynila.


BEEF PARES
Mga Sangkap:

1 kilo Beef Brisket cut into cubes
1 head minced garlic

1 medium size onion quartered

1 large onion chopped

1 tbsp. grated ginger

1/2 cup soy sauce

1/2 cup brown sugar

2 pcs. star anise

1 tsp. ground pepper

1 tsp. cornstarch

1 tsp. sesame oil (optional)

salt to taste

green onions o dahon ng sibuyas



Paraan ng pagluluto:

1. Palambutin ang karne ng baka sa isang kaserola na may tubig, asin at sibuyas. Sa unang kulo, alisin ang mga lumutang na namuong dugo ng baka. Hanguin ang pinalambot na karne sa isang lalagyan. Itabi ang sabaw na pinaglagaan.

2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas.

3. Ilagay ang pinalambot na karne ng baka. Timplahan ng toyo, brown sugar, star anise at paminta. Lagyan din ng mga 2 sabaw ng pinaglagaan.

4. Hayaan ng mga 5 minuto.

5. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

6. Lagyan ng sesame oil at hanguin sa isang lalagyan

7. Lagyan ng hiniwang dahon ng sibuyas sa ibabaw to garnish.

Ihain na may ka-pares na mainit na kanin o garlic rice.

Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
Sir mukhang masarap yan!!ask ko lang poh kung same lang poh ito ng nasa makati RCBC ung Pares na naka kariton?how bout sa soup nito?balak ko sana magtayo nito kahit small type lang!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy