BEEF SHANK CALDERETA


Caldereta marahil ang isa sa mga pagkaing Filipino natin na hindi mawawala sa mga handaan o mga espesyal na okasyon. Maraming version ng lutuing ito depende na lang siguro sa panlasa ng nagluluto. Hindi lang baka ang pwedeng i-caldereta. Pwede din sa manok, baboy, kambing, itik at marami pang iba. Nagkakaiba ang mga sangkap nito depende na lang kung saang lugar ito niluluto.

Sa version kong ito ng caldereta, beef shank ang ginamit ko. Nito ko napatunayan na masarap pala itong i-caldereta. Ang inam kasi ng beef shank, may mga litid ito at bone marrow na nagpapasarap pa sa sauce ng caldereta.

Also, sa version kong ito, nilagyan ko ng chinese sausage na mas lalo pang nagpasarap sa kabuuan ng lutuin.

Try nyo ito. Ayos na ayos lalo na't malapit na ang Pasko at bagong Taon.



BEEF SHANK CALDERETA


Mga Sangkap:

1 Kilo Beef Shank

2 medium size potatoes cut into cubes

1 large carrots cut into cubes

1 large red bell pepper

1 pc. slice chinese sausage

1 small can Reno Liver spread

1 cup tomato sauce

1/2 cup peanut butter

1 tsp. dried oregano

5 cloves minced garlic

1 large onion chopped

2 pcs. tomatoes chopped

2 pcs. laurel leaves

1/2 cup soy sauce

salt and pepper



Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.

2. Ilagay ang karne ng baka, lagyan ng tubig, timplahan ng asin at paminta, at takpan. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.

3. Ilagay ang toyo, patatas, carrots at siling pula.

4. Ilagay na din ang laurel, chinese sausage, dried oregano at tomato sauce. Hayaan kumulo hanggang malapit ng maluto ang patatas.

5. Ilagay na ang liver spread at peanut butter. Halu-haluin.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!


Note: Ang caldereta usually ay maanghang o spicy. Dito sa version kong ito, hindi ko nilagyan ng masyadong pampa-anghang kasi nga mga mga bata ng kakain. Kung nais nyo na mas maanghang, maaring nyong lagyan ng siling pang-sigang o chili powder. Thanks

Comments

cool fern said…
sarap nito,dennis...
Dennis said…
Sinabo mo pa...hehehehe...masarap lalo na yung tamang-tama lang yung anghang ng sili....hehehe


Dennis\
Mrs Ambrose said…
I tried this recipe Kuya Dennis using the Crockpot sobrang sarap po ng knilabasan. Tnx so much for sharing your recipes. Godbless!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy