CHIX LIVER and CHINESE SAUSAGE PASTA
Sa palagay ko original recipe itong entry natin for today. Parang kasing wala pa akong nababasang pasta dishes na ang sahog ay chicken liver and chinese sausage. Hehehehe.
Ang totoo experimental talaga ang nangyari sa dish na ito. Wala kasi akong maisahog sa pasta na gusto kong lutuin. Nang o-check ko ang fridge, yung 1/2 kilo ng atay ng manok ang napagdiskitahan ko. Why not kako? Dapat sana ia-adobo ko ang atay ng manok na ito. Pero eto, sa pasta siya nauwi...hehehehe.
Pero sa totoo lang, nagulat talaga ako sa kinalabasan ng pasta dish na ito. Masarap siya. Malinamsam ang sauce at kakaiba talaga ang lasa.
Try nyo ito. Promise, hindi ako mapapahiya sa inyo.
CHIX LIVER and CHINESE SAUSAGE PASTA
Mga Sangkap:
400 grams Flat spaghetti (cooked according to directions)
300 grams Chicken liver cut into small pieces
2 pcs. Chinese Sausages cut thinly
1 sachet Del Monte Italian Style Spaghetti Sauce
1 large onion chopped
1 cloves minced garlic
1 tsp. dried basil
1 cup grated cheese
3 tbsp. olive oil
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Lutuin ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-over cooked. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa isang non-stick pan o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. Hayaan hanggang sa maluto ito.
3. Ilagay ang atay ng manok at chinese sausage. Halu-haluin. Timplahan na din ng asin, paminta at dried basil.
4. Kung naluto na ang atay, ilagay na ang spaghetti sauce. Ilagay na din ang 1/2 cup na grated cheese. Hayaang kumulo sa mahinang apoy.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Ihalo sa sauce ang nilutong pasta. Haluing mabuti. Lagyan pa ng olive oil ang mga pinaghalong sauce at pasta.
7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.
Ihain na may kasamang garlic or toasted bread.
Enjoy!!!!
Comments