FISH FILLET and STRING BEANS WITH BLACK BEANS SAUCE



After ng aking operasyon, pinayuhan ako ng aking doktor na maghinay-hinay sa pagkain ng karne, kanin at matatabang pagkain. Kaya eto kung mapapansin nyo, mga seafoods at isda ang pangkaraniwang entry natin nitong mga nakaraang araw. Syempre, nagpapatuyo pa ng sugat eh...hehehehe. By next week mga meat recipes na ulit.....hahahaha.

Sabagay, after that operation, naging eye opener sa akin to watch kung ano-ano ang mga kinakain ko and ofcourse my family. Kaya mapapansin nyo siguro na laging may lahok kahit kaunting gulay ang mga recipes ko. Well, ang bottom line lang naman ay dapat in moderation ang lahat ng ating kinakain. Pag sobra syempre masama na.

Here's another dish na chinese na chinese ang dating. Chinese dish na kayang-kayang gawin sa bahay. Simple pero tiyak kong magugustuhan ng mga miyembro ng pamilya. Try it!





FISH FILLET and STRING BEANS WITH BLACK BEANS SAUCE



Mga Sangkap:


500 grams Fish fillet (Cream of dory ang ginamit ko dito. Pwede kahit anong white meat fish)

1 tali Sitaw (hiwain ng mga 2 inches ang haba)

1/2 cup Unsalted Black Beans Sauce

3 tbsp. Oyster Sauce

1 thumb size ginger (Hiwaing na parang posporo)

4 cloves minced garlic

1 chopped onion

1 tbsp. sesame oil

1 tsp. cornstarch

1/2 cup flour

1 tbsp. brown sugar

maggier magic sarap (optional)

juice from 5 pcs. calamansi

cooking oil for frying



Paraang ng Pagluluto:

1. Hiwain ang fish fillet sa nais na laki.

2. I-marinade ang isda sa asin, paminta, calamansi juice at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 15 minuto.

3. Ilagay ang harina, halu-haluin hanggang sa ma-coat ang isda ng harina.

4. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa pumula ng bahagya. Hanguin sa isang lalagyan.

5. Bawasan ang mantika sa pinagprituhan ng isda at igisa ang luya, bawang at sibuyas.

6. Ilagay ang sitaw at halu-haluin. Maaring lagyan ng kaunting tubig.

7. Kung malapit ng maluto ang sitaw, ilagay ang black bean sauce.

8. Ilagaya na din ang piniritong fish fillet at halu-haluin para ma-coat ang isda ng sauce.

9. Ilagay ang oyster sauce, brown sugar at tinunaw na cornstarch.

10. Tikman ang i-adjust ang lasa.

11. Lagyan ng sesame oil at hanguin sa isang lalagyan at ihain.



Ihain kasama ang mainit na kanin.



Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy